Duterte hindi pabor sa mahabang suspensyon ng klase para sa SEA Games
IBINASURA ni Pangulong Duterte ang panukalang magdeklara ng suspensyon ng klase sa Metro Manila para bigyan daan ang Southeast Asian (SEA) Games.
“No, that’s too long,” sabi ni Duterte.
Nakatakdang magbukas ang SEA Games bukas at tatagal hanggang Disyembre 11.
“Kung ako ang estudyante niyan, palakpak lang ako nang palakpak. Kung gusto niya Olympic na lang araw-araw. I do not agree. That’s too long. That’s too long. That is simply too long,” ayon pa kay Duterte.
Pinaburan naman ni Duterte ang pagdedeklara ng walang pasok sa closing ceremony ng SEA Games.
“Hindi. Maybe sa closing games na, libre na lahat,” ayon pa kay Duterte.
Idinagdag ni Duterte na dapat ay wala nang bayad ang entrance fee para sa SEA Games.
“‘Yung iba siguro. Sabi nga ni Bong the — ang pinag-aralan ngayon is libre lahat except the volleyball and basketball kasi hindi tayo may-ari ng venue. MOA. So it’s a privately-owned ground there,” dagdag ni Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.