Dyowa ni Karla hiwalay sa asawa, may 2 anak na; tanggap kaya ni Daniel? | Bandera

Dyowa ni Karla hiwalay sa asawa, may 2 anak na; tanggap kaya ni Daniel?

Julie Bonifacio |November 29,2019
facebook
share this

Dyowa ni Karla hiwalay sa asawa, may 2 anak na; tanggap kaya ni Daniel?

Julie Bonifacio - November 29, 2019 - 12:38 AM

KARLA ESTRADA AT ANG KANYANG ‘MYSTERY BOYFRIEND’

MULING pinuntahan ni Karla Estrada ang probinsya ng Antique after 30 years. Sa bayan ng Antique kasi lumaki ang ina ni Daniel Padilla.

Kaya naman isang bonggang homecoming ang ibinigay ng kanyang dating eskwelahan, ang Antique National School (ANS), kasama ang kanyang co-hosts sa Kapamilya morning show na Magandang Buhay na sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.

Hindi makapaniwala si Karla na makakabalik siya ng Antique pagkatapos ng tatlong dekada, “Kailanman ay hindi ko makakalimutan ang Antique, lalong-lalo na ang Antique National School. Dito ako nag-umpisa ng aking pangarap,” pahayag ni Karla habang suot ang pulang gown, korona at kapa kung saan nanalo siya bilang 1990 Miss ANS.

Dahil diyan, nasabi tuloy ni Karla na balang araw ay isasama niya si Daniel sa Antique na ikinasaya siyempre ng mga fans nito sa nabanggit na lugar.

Bilang pagkilala sa karangalang ibinigay ni Karla para sa mga kababayan niya sa Antique, binigyan siya ng isang plaque of recognition dahil nagsilbi siyang inspirasyon sa milyun-milyong Pilipino sa pamamagitan ng Magandang Buhay.

“Sobrang saya ko and I’m very grateful na after so many years na hindi ako nakauwi, na-recognize niyo pa rin ako. Hinding-hindi ko makakalimutan ang buhay ko rito l at siyempre sa eskwelahang ito na nagbigay talaga sa akin ng isa sa mga katuparan ng aking pangarap,” umiiyak na sabi ni Karla.

Nagbigay din ng mensahe si Karla para sa mga estudyante ng ANS, “Sa mga estudyante na nandito ngayon, gusto ko na magsilbi itong inspirasyon. Mangarap kayo at wag niyong kakalimutan kung saan kayo nanggaling.”

Kasabay nang pagpunta niya roon kasama ang Magandang Buhay family sa Antique ang pagse-celebrate ni Karla ng kanyang birthday. At bilang maagang Pamasko para sa kanyang dating eskwelahan, nag-donate si Karla ng mga computer.

Marami namang kinilig nang ipakilala na finally ni Queen Mother sa publiko ang kanyang bagong boyfriend, ang non-showbiz guy named Jam Ignacio. Kuwento ni Karla, tatlong araw pa lang ang nagdaan after nilang mag-meet ay niligawan na siya ni Jam, “Three days pa lang kami magkakilala. Pumunta siya sa bahay namin nagdala siya ng bulaklak, coffee.”

Bumilib daw siya sa tapang ng guy na ligawan siya sa kabila ng estado niya sa buhay at hindi ito natakot kahit na alam niyang marami ang kukuwestiyon sa kanyang pagkatao.

“Ang tagal ko nang heartbroken pero kaya lang nagdadalawang-isip kasi baka natutuwa lang ako na merong ganoong tao na nagpapakita ng concern. Natutuwa ako sa tapang niya kasi ang lakas ng personality ko, ang tapang kong tao. Pumunta siya sa bahay na hindi niya inisip na bahay ‘yun namin,” lahad ni Karla.

Ayon naman kay Jam, “Wala kasi akong naisip na superstar siya eh, na inaano ko lang siya, na parehas lang kami na normal na tao. Kung ano ‘yung dapat gawin ng isang lalaki sa babae ‘yun naman ang ginagawa ko.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hiwalay na rin sa asawa si Jam at may dalawa na ring anak. Pero ayon kay Karla, tanggap niya ito at ng kanyang mga anak. Sabi nga raw ni Daniel, masaya sila kung saan masaya ang nanay nila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending