Vice kay Ion: Sinagip niya ako bago tuluyang malunod! Mahal na mahal ko siya! | Bandera

Vice kay Ion: Sinagip niya ako bago tuluyang malunod! Mahal na mahal ko siya!

Alex Brosas |November 29,2019
facebook
share this

Vice kay Ion: Sinagip niya ako bago tuluyang malunod! Mahal na mahal ko siya!

Alex Brosas - November 29, 2019 - 12:27 AM

Maraming kinilig sa birthday message ng Gandang Gabi, Vice host na si Vice Ganda sa kanyang boyfriend na si Ion Perez.

“Ang tagal ko ding naging malungkot habang nagpapasaya. Ang tagal ko ding lihim na umiiyak habang nagpapatawa. Ang tagal kong ininda yung mga sakit na pinagdaanan ko. Hanggang nakilala ko sya. Lahat biglang nagbago.

“Sinagip nya ko bago ko tuluyang malunod. Binura nya lahat ng hinanakit. Naging matamis yung dating ubod ng pait. Sya lang yung may tapang na mahalin ako at ipagmalaki ito. Sya lang yung may boses na ipagsigawan ang pangalan ko.
“Sya lang yung may kamay na humawak sakin kahit may ibang nakatingin. Sya lang yung yumakap sakin na di nagtatago sa dilim. Sya yung minahal ko na di nahiyang mahalin din ako.”

That was his caption sa sweet photo nila ni Ion which he posted sa kanyang Instagram account.

“Kaya panalangin ko po Lord protektahan nyo po sya sa anumang pwedeng makapanakit sa kanya. Nawa po’y lagi syang nakangiti at masaya. Sana po ipahintulot nyong habang buhay ko syang makasama. Kasi po mahal na mahal ko sya. #HappyBirthdayIon,” dagdag pa ng Unkabogable Star.

It was a well-received post as Vice Ganda’s fans were kinilig.

“Can’t help but just smile for these lovebirds.”

“Haaayy.. i feel you meme.. God Bless u both.”

“So happy for u meme….happy lang tau palagi…love love love.”

“Happy birthday Ion, and thank you for making Vice happy, you are the bravest ion da best! Iba ka.”

“Happy for you vice ganda, you are so blessed for having Ion in your life, ihope and pray that your love for each other will last forever.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending