Love story nina Juancho at Joyce nagsimula lang sa tuksuhan | Bandera

Love story nina Juancho at Joyce nagsimula lang sa tuksuhan

Cristy Fermin |November 29,2019
facebook
share this

Love story nina Juancho at Joyce nagsimula lang sa tuksuhan

Cristy Fermin - November 29, 2019 - 12:13 AM

 

JUANCHO TRIVIÑO AT JOYCE PRING

Kasabay namin sa pagsusulat ng aming mga kolum tuwing umaga ang Unang Hirit. Habang tumitipa ng aming mga pitak ay pasilip-silip naman kami sa pang-umagang programa ng GMA 7.

Hindi lang mga balitang-artista ang aming alam, pati ang mga nagaganap dito sa ating bansa at iba-ibang panig man ng mundo ay nalalaman namin, ‘Yun ang gustung-gusto namin sa Unang Hirit.

May segment sa morning show sina Juancho Trivino at Joyce Pring. Kung saan-saan lugar sila ipinadadala ng programa, palagi silang magkasama, kaya lumutang ang mga tuksuhan ng mga anchors na bagay na bagay sila.

Hanggang sa may nabuo na ngang relasyon kina Juancho at Joyce, masaya silang panoorin, dahil pumaparaan ang aktor para magtawid ng paglalambing sa magaling na host.

Sa totoo lang, sa isang malaking okasyon para sa isang online company ay angat na angat ang galing sa hosting ni Joyce Pring, kinabog niya ang kanyang mga kasabayan lalo na kapag hindi pa nakahanda ang susunod na performer at kailangang mag-stretch ang mga hosts.

Wala siyang buckle, napakahusay niyang magsalita, tuluy-tuloy ‘yun at buhay na buhay nang wala siyang binabasang kahit ano.

Nu’ng August 3 pala ay engaged na sina Juancho Trivino at Joyce Pring, ginanap ‘yun sa Boracay, nandu’n ang buong pamilya ni Joyce na kakuntsaba ni Juancho sa kanyang proposal.

Panalo!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending