Alden, Martin tuloy ang acting showdown sa The Gift | Bandera

Alden, Martin tuloy ang acting showdown sa The Gift

Ervin Santiago |November 29,2019
facebook
share this

Alden, Martin tuloy ang acting showdown sa The Gift

Ervin Santiago - November 29, 2019 - 12:06 AM

Sa lahat ng mga sumusubaybay sa GMA Telebabad series na The Gift, ito na ang pinakahihintay ninyong ganap sa buhay ni Sep (Alden Richards). Malalaman na ng taumbayan ang kakaibang kakayahan ng binata sa kabila ng kanyang pagiging bulag.

Sunud-sunod na ang magaganap na twist sa kuwento ng The Gift ngayong mas lumakas pa ang kapangyarihan ni Sep na makita ang nakaraan at ang mga mangyayari sa future. Pero ano kaya ang kapalit ng lahat ng ito sa masalimuot ngunit makulay na buhay ng binata? Kayanin kaya niya ang lahat ng posibleng mangyari lalo pa’t marami nang nakakaalam sa kanyang powers?

Samantala, hanggang kailan makakapagtago si Jared (Martin del Rosario) sa batas matapos makatakas sa kagagawan na rin ng kanyang amang si Javier (Christian Vasquez) at ng kabit nitong si Francine (Rochelle Pangilinan)? Abangan n’yo kung ano ang gagawin ng nanay ni Jared na si Nadia (Jean Garcia) para hindi mahuli ng otoridad ang anak. Hindi n’yo rin dapat palagpasin ang susunod na eksena nila ni Sep kapag nalaman na nila ang katotohanan.

Samantala, patuloy na pinupusuan ng manonood ang The Gift dahil sa pagganap ng buong cast, lalo na sina Alden, Jo Berry, Elizabeth Oropesa, Jean at Martin. Anila, siguradong aani ng acting awards ang mga ito sa susunod na awards season dahil sa makatotohanan nilang pagganap sa serye. Bukod daw sa magandang aral na hatid ng kuwento, marami rin itong hatid na good vibes na talagang nagmamarka sa manonood.
Kaya patuloy na subaybayan ang The Gift, gabi-gabi sa GMA Telebabad after Beautiful Justice.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending