Horoscope, Nov. 29, 2019 | Bandera

Horoscope, Nov. 29, 2019

Madam Sophia |November 29,2019
facebook
share this

Horoscope, Nov. 29, 2019

Madam Sophia - November 29, 2019 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Ito ang pinaka-masuwerte araw at ngayon mo na dapat simulan ang lahat ng iyong mga pangarap sa buhay. Sa pinansyal, kusa ng lalago ang kabuhayan.  Sa lovelife, isang napakabait at masarap romomansang nilalang ang mahuhumaling sa iyo. Markahan ang 1, 9, 28, 37, 40 at 49. Green at gold ang buenas.  Swerte ang initial na P. at B.

Aries – (Marso 21-April 19)

       Parating na ang suweldo at ang bonus at ang 13th month pay. Ano ang gagawin mo sa pera? Umpisahan nang paunlarin ang kabuhayan. Mag-invest sa stock exchange upang umangat ang aspetong pang pinansyal. Tandaang ina-attract ng salapi ang kapwa nya salapi. Markahan ang 5, 14, 23, 32, 41 at 49. Red at blue ang buenas. Swerte ang initial na T. at L.

Taurus – (April 20-May 20)

          Huwag maniwala sa mga pamanhiin. Kailangang maging praktikal upang yumaman. Sa lovelife, may lihim na pagnanasa sa iyo ang isang katabi na nakasuot ng green. Markahan ang 2, 11, 25, 29, 40 at 47. Bukod sa green ang yellow ay buenas din. Swerte ang initial na A. at R.

Gemini – (May 21-June 21)

              Magniningning ang araw na ito habang nakasuot ng silver na singsing. Alahas na silver ang hihigop ng suwerte at magandang kapalaran. Sa lovelife, ang silver na alahas kung laging susuutin ang magpapainit ng nanlalamig na relasyon. Markahan ang 5, 18, 23, 32, 38 at 45. gray ang buenas. Swerte ang initial na G. at L.

Cancer – (June 22- July 22)

         Water ang elemento ng Cancer. May babala ng karamdaman, upang masawata ang anomang sakit, kumain lagi ng pagkaing nakukuha sa tubigan. Ang mga pagkaing galing sa tubig, at matubig ang magpapalusog at magpapahaba ng iyong buhay. Markahan ang 2, 7, 16, 25, 33, at 49. Green at blue ang buenas. Swerte ang initial na  T. at S.

Leo – (July 23 – August 22)

            Nagpopondo muna ang mdalim na ulap bago bumuhos ang ulan. Ganon din ang paparating na suwerte at magandang kapalaran, magpopondo mo na ito hanggang sa lumaki ng lumaki at dumami ng dumami. Pagbuhos ng suwerte at magandang kapalaran sa susunod na buwan ng Disyembre, sa sobrang dami magdidilim din ang iyong paligid sa twa at galak.  Markahan ang 6, 9, 24, 33, 39 at 49. Bukod sa white at yellow ang buenas. Swerte ang initial na P. at R.

Virgo – (August 23 – September 22)

         Bago simulan ang anumang trabaho,  humigop muna ng mainit na sabaw  sa ganyang paraan, mas magiging aktibo ang iyong isipan. Ilibre ang kasuyo sa isang mamahaling coffee shop, upang kapwa mag-init ang inyong katawan.  Markahan ang 5, 9, 23, 35, 45, at 48. Blue at red ang buenas.  Swerte ang initial na F. at T.

Libra – (September 23-October 23)

         Tumawa ng tumawa upang mabigong lahat ang iyong mga kakumpetensya. Sa  pamamagitan ng masayahing aura, kikita ng malaking halaga. Sa lovelife, lalong iinit ang relasyon kung kikilitiin muna ang kasuyo bago ang aktuwal na romansa. Markahan ng 5, 14, 27, 35, 40 at 44. Red at green ang buenas. Swerte ang initial na K. at B.

Scorpio – (October 24 – November 21)

         Unti-unti mo ng natatanggap ang mapait na nakaraan! Magpakalango sa tagumpay, i-blow-out ang sarili sa mamahaling restaurant. Sa lovelife, tanggapin ang inaalok na pagsuyo ng isang Cancer sa kanya ka liligaya. Markahan ng 4, 13, 24, 34, 40 at 45. Red at pink ang buenas. Swerte ang initial na P. at B.

Sagittarius – (November 22 – December 21)

           Kahit mayaman, malungkot ang buhay, walang dapat gawin kundi ipamigay ang lahat ang iyong mga pag-aari at kayamaman. Sa pamamagitan ng dedikasyon sa mga pang-charitable na gawain mas matatagpuan ang inner happiness at true peace of mind. Sa lovelife, wala sa ka-opposite sex ang hinahanap na ligaya, kundi na kay Lord. Mapalad ang 4, 8, 17, 26, 41, at 49. Red at violet ang buenas. Swerte ang initial na G. at T.

Capricorn – (December 22 – January 19)

           Hindi tamang dsikarte ang pandaraya upang yumaman, sa halip, ituloy at dagdagdan pa ang mga pagsisikap. Sa pag-ibig, aanhin ang limpak-limpak na salapi kung kamumuhian ka naman ng iyong mga kamag-anak. Markahan ang 1, 13, 26, 35, 40 at 48. White at green ang buenas. Swerte ang initial na H. at B.

Aquarius – (January 20 – February 18)

         Mag-ipon ng maraming pera upang sumaya ang pamilya! Tama ang matagal mo nang iniisip, “kayang-kaya ding bilin ng salapi ang pag-ibig at wagas na ligaya!” Markahan ang 4, 19, 28, 33, 37 at 49. Blue at magenta ang buenas. Swerte ang initial na K. at F.

Pisces – (February 19 – March 20)

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

         Darating na ang matagal mo ng hinihintay. Sa araw na ito ipagkakaloob  sa iyo ng langit ang lahat ng suwerte at magagandang kapalarang noon mo pa hiniling. Bilang ganti, dalawin ang isang kapamilya na sobrang gipit na gipit sa buhay, bukod sa salapi bigyan siya ng moral support. Markahan ang 5, 14, 23, 33, 38 at 45. Orange at maroon ang buenas. Swerte ang initial na C. at D.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending