Young showbiz couple na magka-live in hiwalay na: Nakakaawa 'yung girl! | Bandera

Young showbiz couple na magka-live in hiwalay na: Nakakaawa ‘yung girl!

Cristy Fermin |November 28,2019
facebook
share this

Young showbiz couple na magka-live in hiwalay na: Nakakaawa ‘yung girl!

Cristy Fermin - November 28, 2019 - 12:05 AM

SAYANG na relasyon na bumilang na nang maraming taon. Ganu’n na lang ang nanghihinayang na komento ng marami tungkol sa balitang-balita nang paghihiwalay ng isang young showbiz lovers.

Tunay naman kasing nakalulungkot ang kanilang hiwalayan dahil pareho nilang ipinaglaban ang kanilang relasyon. Maraming nangnenega nu’n sa kanila, lalo na sa young actress, pero kinaya nilang lampasan ang mga paghamon.

Pinagbibintangan ang young actress na habol lang nang habol sa young actor, pero nanindigan ang lalaki, mahal na mahal nito ang kanyang girlfriend.

Pero kailan lang ay lumabas ang balita na hiwalay na ang magkarelasyon, ang itinuturong dahilan ay ang biglang pag-alis ng young actor sa kompanyang nangangalaga sa career nila ng young actress, matinding epekto raw ang ginawa nu’n sa kanilang relasyon.

Kuwento ng isang source, “‘Yung girl ang nasa losing end, kasi, ibinigay niya na ang lahat-lahat para sa relasyon nila ng guy!

“Kung anu-anong masasakit na salita na ang ibinato sa kanya, pero wala pa ring nagbabago sa pagmamahal niya sa young actor, nilunok niya ang lahat in the name of love!

“Nu’ng una nga, ang pakiramdam ng lahat, e, siya lang naman ang nagmamahal du’n sa lalaki, para kasing carefree ‘yung guy, walang pakialam. Pero nu’ng magsalita na ang guy na mahal na mahal niya ang girl, nu’n lang nabalanse ang kuwento.

“Walang pakialam ang girl sa mga naninira sa kanya! Liberated daw siya, hindi raw siya magandang ehemplo sa mga kabataan dahil napakaaga niyang nakipag-live-in.

“Pero wala siyang pakialam, ang number one niyang priority, e, ang relasyon nila ng guy. Sayang na sayang naman kung basta ganyan na lang ang kauuwian ng relasyon nila!

“Sayang na sayang naman ang relasyong ipinaglaban nila! Nakakaawa naman ang girl dahil para na lang siyang iniwan sa dilim nu’ng guy!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nilayasan niya ang nangangalaga sa career nila, ang girl lang ang naiwan du’n at nagsiguro na ang guy sa career niya! Sa lahat ng ito, e, ang babae ang talagang nakakaawa,” mahabang kuwento ng aming source.

Wala nang kailangang clue, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, bigay na bigay na kung sinu-sino sila kaya siguradong hindi na kayo mauupo n’yan sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending