Magsikap, kumayod ka (2) | Bandera

Magsikap, kumayod ka (2)

Joseph Greenfield - July 31, 2013 - 07:00 AM

Sulat mula kay Gia ng Hadji Mohammad Ajul, Basilan
Problema:
1.      Simula nang mag-asawa ako ay hindi na ako nakatikim ng ginhawa sa buhay.  Mabuti pa noong dalaga pa ako sa piling ng aking mga magulang ay  maganda ang buhay ko. Ngayon masasabi kong naghihirap na talaga kami.
2. Naglulugaw na nga kami.  Hindi na nagkakasya sa amin ang kinikita ng asawa ko.  Maliit lang kasi ang kinikita niya sa bukid. May pag-asa pa kaya kaming makaahon sa kahirapan? Anim ang aming mga anak.  Sana mabigyan mo kami ng paraan kung paano makaaahon sa hirap alang-alang man lang sa aming mga anak.
Umaasa,
Gia ng Hadji Mohammad Ajul, Basilan
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Sagittarius (Illustration 1.) ang nagsasabing ikaw ang gumawa ng sarili mong paraan upang makaahon kayo sa kahirapan. Magagawa mo kung tulad ng nasabi sa Palmistry at Cartomancy, mag-aplay ka sa abroad!
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing lakas ng loob ang formula upang makaahon sa kahirapan. Kung sa susunod na taon ay mag-aplay ka na sa abroad, sa nasabi ring taon ay makakalipad ka patungong ibang bansa.
Luscher Color Test:
Ang isa pang formula upang makaahon kayo sa kahirapan, maliban sa pag-aaplay sa abroad, lagi kang magsuot ng kulay na dilaw at pula. Sa pamamagitan ng nasabing kulay, gagaang ang pasok ng pera, uunlad ka at yayaman.

Gia, kapag nagawa mo ang simpleng rekomendasyon sa itaas, ang pag-aaplay sa abroad at pagsusuot ng suwerte mong kulay, magugulat ka sa magiging resulta. Ayon sa iyong kapalaran sa susunod na taon, makapag-aabroad ka at sa sandaling nasa ibayong dagat ka na, magiging mabilis  ang inyong pag-asenso, ang pag-ahon sa kahirapan hanggang sa tuluyang yumaman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending