PACMAN bugbog-sarado sa mga kantiyaw at panlalait
BUGBOG-SARADO ngayon sa kantiyaw ang People’s Champ nating si Manny “Pacman” Pacquiao dahil sa plano nitong pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas once he retires from the boxing ring.
Ha-hahaha! Ha-hahaha! Kaloka ang lolo ninyong ito – palala na nang palala. Kungsabagay, who would ever think na magiging kongresista siya ng Saranggani Province – nobody predicted that before.
By some twist of fate, the poor boy from GenSan became the richest Pinoy athlete and became one of the most popular solons.
Bilyonaryo yata si Pacman kaya afford niyang maglabas ng puhunan para sa pangarap niyang maging pangulo.
Dito pa naman sa ating bansa na mas maraming tangang botante kaysa matino. Malamang na manalo pa si Pacman lalo pa’t naipanalo niya ang next laban niya.
Ganyan naman ang mga Pinoy, di ba? Mabango ka pag winner ka pero minsan ka lang matalo ay bagsak pati premium mo.
“Hindi ko ma-imagine ang Pilipinas with Pacquiao as president.
Baka ang Elorde Gym ang gawin niyang extension ng Malakanyang. Pero pakisabi muna kay Pacquiao na i-pronounce muna niya nang mabuti ang Alaxan FR para iboto ko siya.
Ha-hahaha! Bakit di mo kausapin ang mga friends mo sa Zirkoh para bigyan siya ng set kahit weekdays lang. Kasi komedyante talaga siya, di ba?” anang isang barkada kong lukis.
Hoy, don’t be so cruel naman to him. Lahat naman tayo ay may pangarap – eh, ano ang magagawa natin kung dream talaga niya ang maging pangulo ng bansa. Baka in his heart ay iyon talaga ang gusto niya.
Sino naman tayo para pigilan ang isang taong mangarap, aber? Kita niyo naman, dati pangarap lang niyang makaraos sa kahirapan dahil he came from a very poor family – nasaan na siya ngayon?
Dala ng pagpupursige ay natupad niya ang mga pangarap niya. Bilyonaryo na siya ngayon. Yung asawa niyang si Jinkee na dating salesgirl sa isang department store noon sa GenSan ay pa-Hermes-Hermes na lang at puro pagpapaganda ang ginagawa.
Huwag kayong masyadong mapangmata – pareho na silang pulitiko ngayon – siya congressman while Jinkee is vice-governor. Pag may pera ka dito sa bansa natin, lahat ay kaya mong abutin. Pati botante ay kaya mong bilhin.
Diploma nga ay lima-singko na noon pa, ‘no! Nakaka-amuse nga naman, imadyinin nga natin halimbawa lang sa darating na 2016 (sabi ay hindi pa puwedeng tumakbo si Pacman as president dahil underage pa siya – wala pa siyang 40 kaya) – makikita natin sa kapaligiran ang mga tarpaulins niya in his boxing gloves that says, PACMAN FOR PRESIDENT!
Aba’y huwag tawaran ang malaking posibilidad. Kung si Eddie Gil nga dati ay tumakbong presidente, kung si Amay Bisaya nga ay tumakbong Vice-President noon, hindi malayong gawin ito ni Pacquiao.
Unang-una, sikat siya, pangalawa, marami talaga siyang pera. What if mag-tandem sila ni Willie Revillame (tutal magkaibigan naman sila at parehong bilyonaryo) as his vice president.
Aba, who knows? Pacquiao-Revillame team-up – malakas sa tao iyan. Ang problema lang, ano kayang mangyayari sa bansa natin pag silang dalawa ang nakaupo. Ha-hahaha! Tapos si Chavit Singson pa ang adviser nila.
Kidding aside, give it to him. Pangarap lang naman iyan, eh. Malay mo, baka ibang pagkapresidente ang tinutukoy niya – puwedeng presidente ng isang fan club; ng PTA sa school ng mga anak nila; ng home association pero sosyal naman dahil posh village ang tinitirhan nila.
Don’t underestimate Pacman – dreams do come true pag your destined to be who you want to be one day. Just keep on dreaming, after all, sino ba ang mag-aakalang maging pangulo ang isang housewife like the late Corazon Aquino?
Sino ba ang mag-aakalang mananalong senadora ang favorite kong si Nancy Binay? Sino ba ang mag-aakalang magwawaging board member si Angelica Jones?
Malay n’yo, baka bumongga pa ang buhay ng mga bakla dahil minsan din daw may nag-alagang bading na taga-Sampaloc kay Pacman. Malay mo, gawin niya akong mistress.
Ha-hahaha! Hoy, joke lang ito ha, Jinkee. Baka seryosohin mo. Hasus! Ilusyunada rin yata ako. Para ring komedyante si Pacquiao, ‘no! Onli in da Pilipins nga.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.