Bashing sa kapalpakan sa SEAG hindi nakakatulong
Leifbilly Begas - Bandera November 25, 2019 - 03:59 PM
HINDI umano nakakatulong ang pamba-bash sa mga nagaganap sa Southeast Asian Games.
Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano kung hindi magtatagumpay ang pagdaraos ng SEAG ay kahihiyan ito ng bansa at hindi ng iilan lamang.
“Now, having said that, ‘yung ibang criticism naman, especially ‘yung ibang small problems, hindi ‘yung corruption, may katotohanan naman. So, rather than react negatively, pa’no namin iso-solve lahat ‘yun?” ani Cayetano.
Mahalaga umano ang pagtutulungan ng bawat isa upang maayos ang mga problema.
“So, ang pakiusap ko lang because this is our hosting, hosting ng sambayanan ‘to, hosting ng Pilipinas ‘to. Hindi ‘to hosting ng Duterte. Hindi ‘to hosting ng BCDA (Bases Conversion and Development Authority). Hindi ‘to hosting ng POC (Philippine Olympic Committee). Hindi ‘to hosting ni PSC (Philippine Sports Commission). Hindi ‘to hosting ni Cayetano.”
Mas maganda umano kung ang ibabato ay hindi paninira lamang kundi may kaakibat na solusyon.
“So, magtulong-tulong tayo, because, when you bash the organizing committee, if it is to get us to act correctly or to address inefficiency, it’s most welcome. Pero if you bash us for the sake of bashing us, or because you don’t want the President or other people to get the credit, ang bina-bash mo sarili mong bansa.”
Umani ng batikos ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) matapos na mahirapan ang mga atleta na dumating sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending