Sino ang sinungaling kina RAYMART at CLAUDINE? | Bandera

Sino ang sinungaling kina RAYMART at CLAUDINE?

Cristy Fermin - July 31, 2013 - 03:00 AM

Nu’ng nakaraang Lunes nang umaga ay nagsadya si Claudine Barretto sa Marikina Regional Trial Court kasama ang kanyang abogadong si Attorney Ferdie Topacio para maghain ng Temporary Protection Order (TPO).

Matagal nang napapabalita ang nalalapit na paghahain ng petition for annulment ni Claudine para sa kanilang kasal ni Raymart Santiago, pero mas nauna ang paghingi niya ng TPO sa husgado, maaaring ‘yun ang unang hakbang na ginawa ng aktres bago siya mag-file ng annulment.

Ayon sa kanyang abogado ay kinailangang gawin ng aktres ang ganu’ng hakbang dahil sa diumano’y ginawang pambubugbog sa kanya ni Raymart ilang buwan na ang nakararaan.

Kumpleto ang mga bitbit na ebidensiya ni Claudine, meron siyang mga larawang magpapatunay na totoo ang kanyang mga akusasyon sa kanyang mister, ang korte na ngayon ang magdedesisyon kung bibigyan nga ng TPO si Claudine.

“She kept quiet for a long time, she wanted to keep all these to herself and just within the family, but she cares for their children. Para sa mga bata ang ginawa niyang ito, hindi lang sa sarili niya,” pahayag ni Attorney Ferdie Topacio.

Walang anumang pahayag na nanggagaling sa pamilya Santiago tungkol sa ginawa ni Claudine, tahimik lang si Raymart at ang pamilya niya, pero siyempre’y palaging may dalawang panig ang bawat isyu.

May mga nagsasabing maaaring totoo ang mga sinasabi ni Claudine, meron namang nag-oopinyon na walang katotohanan ang kanyang mga akusasyon laban kay Raymart, silang mag-asawa lang kung tutuusin ang nakakaalam tungkol sa katotohanan.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending