Lloydie goodbye na sa pagiging ‘dugyot’, mukha na uling artista
MULING pinakilig ni John Lloyd Cruz ang madlang pipol matapos kumalat ang mga litrato with his new look.
Goodbye “dugyot” moments na nga si Lloydie dahil gwapung-gwapo na uli ang itsura ngayon na pinaniniwalaang kuha sa kanyang latest photoshoot na sinasabing para sa bago niyang endorsement.
Makikita sa litrato na clean cut na uli ang aktor, wala na siyang bigote at balbas ngayon kaya naman puro positive comments ang nabasa namin sa social media.
Matatandaang ilang product endorsement na rin ang ang ginawa ni JLC habang nakabakasyon sa showbiz. Umaasa ang kanyang fans na sa pagbabalik ng dating itsura ng aktor ay posibleng magbalik na rin siya sa mundo ng telebisyon at pelikula.
October, 2017 nang biglang mag-file ng indefinite leave of absence sa ABS-CBN at Star Magic ang aktor matapos masangkot sa ilang kontrobersya noong kasagsagan ng relasyon nila ni Ellen Adarna.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.