Nag-iwasan kami noon ni Bea dahil naiinis kami sa isa’t isa! – Angelica | Bandera

Nag-iwasan kami noon ni Bea dahil naiinis kami sa isa’t isa! – Angelica

Ervin Santiago |November 22,2019
facebook
share this

Nag-iwasan kami noon ni Bea dahil naiinis kami sa isa’t isa! – Angelica

Ervin Santiago - November 22, 2019 - 12:20 AM

ANGELICA PANGANIBAN AT BEA ALONZO

NAGSELOSAN, nagkatampuhan at nagkainisan din noon ang magkaibigang Angelica Panganiban at Bea Alonzo.

Sinubok din ng kung anu-anong hamon ang kanilang friendship pero sa kabila nito, napanatili pa rin nila ang magandang samahan at mas tumibay pa nga ang pundasyon ng pagkakaibigan nila.

Sa nakaraang presscon ng latest movie ng Star Cinema, ang “Unbreakable” na siyang unang pelikulang pagsasamahan ng magkaibigan kasama si Richard Gutierrez, inamin nilang may panahon na hindi rin sila nag-usap at nagpansinan dahil sa bwisit nila sa isa’t isa.

“Oo, sa magkaibigan meron talaga nu’n. May ill feelings, may mga misunderstandings, may tampuhan, may selosan,” pahayah ni Angelica.

“Nag-uusap kami ni Bey habang nagsu-shoot kami na parang, ‘Grabe, naalala mo yun, yung nagtampo ka sa akin?’ Ganyan, ganyan. Or siya naman, ‘Oo, girl, ikaw nga din nagalit.’ Alam mo yung ganu’n?

“May mga napag-uusapan kami, and na-imagine ko, ‘Oo nga, magkaibigan nga kami. Nag-aaway kami and pinagdaanan namin yung conflicts na yun.’ And nagkaroon ng time na nag-iiawasan kami dahil naiinis na kami sa isa’t isa,” lahad pa ng aktres.

Ayon naman kay Bea, nagkaroon lang sila ng chance ni Angelica na ayusin ang kanilang issues nang magsimula na silang mag-shooting para sa “Unbreakable”, “Siguro kapag natapos na yung judgment n’yo sa isa’t isa, kapag natapos na yung pagkukubli ninyo ng mga nararamdaman ninyo, yung mga ill feelings niyo sa isa’t isa, du’n nagsisimula yung totoong pagkakaibigan. Du’n nagsisimula yung happiness, yung hope para sa isa’t isa.”

Hirit naman ni Angelica, “Parang bigla na lang din inayos kami ng time. Tapos nagkataon kinausap kami ni Ate Van kung gusto namin mag-movie. So, lahat talaga nangyayari nang may dahilan talaga.” Ang tinutukoy ni Angelica na Van ay si Vanessa Valdez, writer ng “Unbreakable.”

Hindi na idinetalye pa nina Angelica at Bea kung may konek sa kani-kanilang lovelife ang naging away nila noon. Pero kung matatandaan, nagka-issue noon sa pagitan ng dalawang aktres nang madamay si Bea sa break-up nina Angelica at John Lloyd Cruz.

That time, nagkahiwalay din sina Bea at Zanjoe Marudo at biglang lumabas ang chika na nagkakamabutihan na umano sina Bea at John Lloyd. Pero dinenay agad ito ng magka-loveteam.

***

Samantala, naniniwala ang lead stars ng “Unbreakable” na malaki ang naitulong ng mga pinagdaanan nilang heartbreak para mas tumibay ang kanilang friendship.

“To tell you the truth, feeling ko, oo, malaking bagay na may pinagdaanan siyang pains in the past. Ako din, halos pareho yung pinagdaanan namin. Parang, di ba, ganu’n yun?

“Kapag nakaka-relate kayo sa pinagdaanan ng isa’t isa, mas bonded kayo. Kasi tinutulungan niyo yung isa’t isa na mag-heal, tinutulungan niyo yung isa’t isa na maka-move on. We pull each other up,” ani Bea.

Hirit naman ni Angelica, “Sobra. Sharing notes, ‘A, ganito kasi ‘yan.'” Pagpapatuloy pa niya, “Hindi na kami puro harot. Noon, wala kayong ginawa kundi magkulitan lang, magkuwentuhan, mag-pictorial sa garden kapag may magandang background.

“Parang day off lang palagi. Ganu’n lang mga samahan namin dati. Mas lumalim ngayon. Pinagsama kami dahil siguro alam din talaga ng tadhana na matutulungan namin yung isa’t isa,” sey pa ni Angelica.

Speaking of friendship, diyan din iikot ang istorya ng “Unbreakable” directed by Mae Cruz Alviar kung saan bibida ang kuwento ng mag-BFF na sina Deena (Angelica) at Mariel (Bea). Best friends for life ang drama nila noong una pero bigla itong magbabago nang magpakasal sa dalawang lalaki na mula sa isang pamilya.

Nilinaw nina Bea, Angelica at Richard na hindi ito kabit movie tulad ng inaasahan ng manonood. Mas bibigyang-pansin nito ang pagkakaibigan kaya siguradong makaka-relate ang lahat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ka-join din sa movie sina Ian Veneracion, Rosanna Roces, Gloria Diaz, Joao Constancia, Anthony Jennings, Via Antonio, PJ Endrinal at Issa Liton. Showing na ito sa Nov. 27 sa mga sinehan nationwide.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending