Sylvia swerte na sa career, jackpot pa sa negosyo | Bandera

Sylvia swerte na sa career, jackpot pa sa negosyo

Ervin Santiago |November 21,2019
facebook
share this

Sylvia swerte na sa career, jackpot pa sa negosyo

Ervin Santiago - November 21, 2019 - 12:25 AM


SIGURADONG proud nanay ang award-winning actress na si Sylvia Sanchez sa achievements ng kanyang mga anak na sina Arjo at Ria Atayde.

In fairness, talagang umaariba silang mag-iina sa mundo ng showbiz – puro papuri ang natatanggap ni Ibyang sa Kapamilya series na Pamilya Ko habang humahataw naman ang Bagman 2 ni Arjo sa iWant. At balitang very soon ay bibida na rin si Ria sa bago nitong project sa ABS-CBN.

Abot-langit ang pasasalamat ni Sylvia dahil mainit na tinanggap ng madlang pipol ang kanyang mga anak at natutuwa siya na nakagawa na rin ng sarili nilang pangalan ang mga ito kahit paano.

“Kung nakapasok man sila dito at kung tumayo sila ngayon, sariling gawa ni Ria at Arjo yon. Talent nila ‘yun, pagiging professional, pagiging focused nila sa craft nila. Sila ang gumawa nu’n,” lahad ni Sylvia.

Super thankful din ang aktres dahil patuloy na tumataas ang rating ng Pamilya Ko kung saan gumaganap siya bilang si Luz Mabunga. Gabi-gabing pinupuri ng manonood ang kanyang performance sa serye bilang mapagmahal pero palabang asawa ni Joey Marquez bilang si Fernan at mabuting ina sa kanilang mga anak.

At inaabangan talaga ang mga nakakalokang confrontation scenes nila ni Irma Adlawan playing as Loida, ang kabit nig karakter ni Tsong Joey. Sabi nga ni Ibyang, maraming nakaka-relate sa character niya kaya talagang minahal ng viewers.

Nakachikahan ng ilang members ng entertainment press ang aktres sa blessing and ribbon-cutting ng bago niyang business, ang beauty clinic na Sylvia Sanchez by Beautederm na matatagpuan sa 68 Roces Avenue at the corner of Sct. Reyes St. last Sunday.

Ito na ang ikalawang Beautederm store ni Ibyang, ang una ay ang itinayo niyang business sa kanyang hometown, ang Butuan City. Sa darating na February, 2020 bubuksan na rin ang mga branch nila sa SM Butuan at tatlo iba pa sa tatlong SM sa Metro Manila.

iyempre, all out ang support sa kanya ng Beautederm president-CEO na si Rhea Anicoche-Tan na present din sa blessing-opening ng kanyang sariling Beautederm clinic.

“Grabe talaga ang popularity ng Beautederm products among those who want to have good skin kaya naman selling like hotcakes talaga ang mga sabon and creams nila.

“Itong store ko sa Roces Avenue, sinimulan ko lang ito, but kay Ria talaga ito. Gusto kong tulungan ang mga anak ko na magkaroon ng sarili nilang business through Beautederm.

“They are safe and dermatologically tested to deliver amazing results in as early as one week. Their best seller is the regular set that comes with a papaya soap, four face creams, and one day and night toner. You can get them from our store with big discounts as part of our opening sale,” aniya pa.

Nagmistula ring parade of stars ang naganap na opening ng beauty business ni Ibyang dahil halos lahat ng ambassadors ng brand ay sinuportahan ang event.

Dumating sina Lorna Tolentino, Gabby Concepcion (na siyang tumanggap ng pinakamalakas ng palakpakan mula sa mga fans), Ken Chan, Ejay Falcon, Nova Villa, Jestoni Alarcon, Ryle Santiago with his mom Sherilyn Tan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naroon din sina Shyr Valdez, Dessa, Kitkat, Smokey Manaloto, Alma Concepcion, Maricel Morales, Pauline Mendoza, Rochelle Barrameda at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending