Jobert sa nagtatanggol kay Morissette: Ang mali ay mali! | Bandera

Jobert sa nagtatanggol kay Morissette: Ang mali ay mali!

Cristy Fermin - November 20, 2019 - 12:45 AM

JOBERT SUCALDITO AT MORISSETTE AMON

Mukhang maraming nakakakontra ngayon si kapatid na Jobert Sucaldito dahil sa naging problema niya kay Morissette Amon.

May mga kapwa singers kasi ng nag-walkout na dalaga na nagbibigay ng kanilang opinyon sa naganap.

Natural, binibigyan ng mga ito ng katwiran ang pinagdadaanan ng kanilang kasamahan, hindi na bago ang ganu’n.

Ang punto naman ni Jobert ay simple lang, kailan pa naging tama ang mali, ‘yun ang gusto niyang ipasagot nang diretso sa mga “nakikisawsaw” sa naging iringan nila ni Morissette.

Nagkaroon ng hindi kagandahang epekto kay Morissette ang ginawa nitong pagwo-walkout sa concert na ipinrodyus ni Jobert.

Ilang kakuwentuhan namin ang nagsabi na may mga kumpanya sanang gustong kumuha sa dalaga para sa kanilang Christmas party pero nagdalawang-isip na dahil sa kuwento ng kanyang pagwo-walkout.

Totoong nangyayari ang ganu’n, nagmamarka sa ating mga kababayan ang hindi kagandahang ipinakita ng personalidad, kahit maliit na porsiyento lang ay siguradong magkakaroon ng negatibong epekto ‘yun sa kanyang career.

Maraming nasasayang na oportunidad, hindi man ikagugutom ‘yun ng singer ay hindi pa rin maganda, dahil ang nagiging dahilan ng hindi na pagkuha sa kanya ay ang hindi nito pag-akyat sa entablado kahit nandu’n na ito sa venue dahil sa problemang gumagambala diumano sa kanya.

Nakakukurot din ang ganu’ng kuwento, hindi nga masakit na masakit, pero nagmamarka pa rin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending