Kilalang singer dinedma ang alok ng record produ | Bandera

Kilalang singer dinedma ang alok ng record produ

Reggee Bonoan |November 20,2019
facebook
share this

Kilalang singer dinedma ang alok ng record produ

Reggee Bonoan - November 20, 2019 - 07:10 PM

WALA na talagang pagbabago sa ugali ng isang nagbabalik na singer na produkto ng kilalang reality show.

Mukhang sinasayang niya ang panibagong pagkakataon na muling ibinigay sa kanya ng TV network.

Mahusay pa rin naman siyang kumanta kaya may isang producer na gusto siyang ipag-produce sana ng album pero dinedma ito ng nasabing mang-aawit.

Sa isang umpukan ay nabanggit ng record producer na nag-reach out siya sa singer at nagkausap naman sila through e-mail at text. Nagpadala ng demo tape ang producer at sinabi nito ang mga plano niya para sa singer.

Umoo naman ang bida sa ating blind item pagkatapos ng isang linggo hanggang sa nag-follow-up na ang producer kung napakinggan na nito ang kantang ipinadala pero hindi na ito sumasagot na inabot na ng isang buwan.

Feeling ng producer ay hindi interesado ang singer kaya hindi na niya kinontak pa at sa ibang singer na niya ito ibinigay ang kanta na mas umokey pa dahil madali mas madali itong ka-deal.

Ano nga ba ang nangyayari sa singer na produkto ng reality show? Ayaw na ba niyang manumbalik ang nabinbin niyang singing career? Sikat siya noon, kaliwa’t kanan ang alok sa kanya, ang dami niyang fans, pero nauwi lahat sa wala.

As of now ay rumaraket pa rin sa mga gig ang singer kahit sa maliliit na bars. Ito yata ang gusto niya kaysa mag-record ulit ng album. Nakapanghihinayang lang dahil pinakawalan niya ang pagkakataong may muling magtitiwala sa kanya.

Oh well, diyan siya nadaig ng user-friendly singer na laman ng blind item namin dito sa BANDERA kamakailan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending