Kampeon ang Letran sa NCAA

By Melvin Sarangay November 19,2019
share this

Kampeon ang Letran sa NCAA

By Melvin Sarangay November 19,2019
share this

IPINAMALAS ng Letran Knights ang katatagan sa krusyal na bahagi ng laro para itakas ang 81-79 panalo kontra San Beda Red Lions sa Game 3 ng NCAA Season 95 men’s basketball Martes sa Mall of Asia Arena.

Napigilan ng Knights ang huling ratsada ng Red Lions sa ikaapat yugto para mauwi ang kanilang ika-18 korona sa liga.

Matapos makadikit ang San Beda sa isang puntos, 71-70, may 4:23 ang nalalabi sa laro muling kumawala ang Letran, 76-70, bago ipinakita ang katatagan ng kanilang depensa at tuluyang balewalain ang mga birada ni Evan Nelle mula sa 3-point area sa huling yugto.

Tinanghal na Finals MVP si Fran Yu.

Naghabol ang Knights sa umpisa ng laro bago tuluyang malamangan ang Red Lions sa  first quarter, 26-24.

Bigla namang kumalas ang Letran sa kaagahan ng ikalawang yugto matapos itala ang 11 puntos na kalamangan, 37-26, sa pangunguna nina Jerrick Balanza at Edson Batiller bago napigilan ang isinagawang ratsada ng San Beda para mapanatili ang kapit sa kalamangan sa pagtatapos ng second quarter, 44-38.

Sa juniors basketball finals, tinanghal na kampeon ang San Beda Red Cubs matapos durugin ang Lyceum of the Philippines Junior Pirates, 98-77.

Nanguna para sa Red Cubs si Justin Sanchez sa kinamadang 19 puntos. Nag-ambag naman sina Jay Ynot, Rhayyan Amsali at Cyprus Llarena ng 18, 16 at 10 puntos.

Namuno para sa Junior Pirates si Mclaude Guadania sa ginawang 24 puntos.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending