Tawagan nina Vice at Ion nabuking dahil kay Maricel | Bandera

Tawagan nina Vice at Ion nabuking dahil kay Maricel

Alex Brosas |November 19,2019
facebook
share this

Tawagan nina Vice at Ion nabuking dahil kay Maricel

Alex Brosas - November 19, 2019 - 01:05 AM

VICE GANDA AT ION PEREZ

ALIW ang guesting ni Maricel Soriano sa Gandang Gabi, Vice last Sunday. Nagpasaring kasi siya kay Vice Ganda about Ion Perez.

“Pero bakit ganoon. Puro balita ang naririnig ko?” say ni Maricel.

“Ang totoo, kanina pa niya ako kinukulit. Meron yatang ikaw na hindi nasasabi sa kanya. Nagtatampo siya kasi nanay mo siya pero hindi pa niya alam,” say ni Meryll Soriano na kasama ni Maricel sa show.

“Parang ako ang last to know,” say ni Maricel.

“Hindi ka last to know. You’re always the first to feel because you are the mother. Pero last to confirm.

Hindi ba ‘yung mga nanay, una ninyong nararamdaman pero hindi ninyo nako-confirm,” sagot naman ni Vice.

“Sino ba itong Ion na ito? Sino ba ang batang ito? Ay, kinikilig siya, o. Nasaan ngayon si Ion,” tanong ni Maricel.

“Hindi ko alam. Baka nasa gym,” say ni Vice.

“Aba, anak, sa totoo lang, dapat makilala ko ‘yan. Katulad ng tunay mong nanay, kailangang makausap ko ‘yan. Tawagan mo. Ngayon, tawagan mo,” say ni Maricel.

At this juncture, nakabibinging hiyawan ang ginawa ng audience. Talagang kilig na kilig sila. Ang iba pa nga ay nagtayuan at nagsisigaw.

“Nakakaloka ‘yung tawagan. Oh, my God!” tili ni Vice Ganda.

“Kakausapin natin, kakausapin ko,” say ni Maricel.

“Ano ang sasabihin mo?” tanong ni Vice Ganda.

“Tatanungin ko kung ano ang intention niya sa iyo,” sagot ni Maricel.

Napilitang mag-dial si Vice. “Hello. May gusto raw kumausap sa iyo. Nasaan ka ba?”

“Sa puso mo,” sagot ni Ion. Later on, sabi niya, “Nasa bahay ako.”

“Naku, chappy. Tatawagan na lang kita mamaya,” say ni Vice Ganda.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sige babe,” sagot ni Ion. With that, nagtilian ang audience, isang nakabibinging tilian ang kanilang sagot, halatang kilig na kilig sa pagtawag ni Ion ng babe kay Vice.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending