Piolo sa relasyon nila ni Shaina: 8 years, hindi matatawaran yun

November 18,2019
share this

Piolo sa relasyon nila ni Shaina: 8 years, hindi matatawaran yun

November 18,2019
share this

HINDI malinaw ang mga binitiwang pahayag ni Piolo Pascual tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Shaina Magdayao.

Ayon sa Kapamilya actor, naka-eight years na raw sila ng aktres at hindi raw biro ang ganu’ng katagal na pagsasama at naninindigan siya na hindi sila magkakahiwalay ng dalaga.

Kung matatandaan, sumabak si Piolo sa “Jojowain or Totropahin” challenge with his friend Alessandra de Rossi. Isa sa mga nabanggit na pangalan sa challenge ay ang rumored girlfriend niyang si Shaina Magdayao. Diretso itong sinagot ni PJ ng “jojowain”.

Sa isang panayam kay Piolo, natanong ng press ang tungkol dito at kumusta na nga ba sila ni Shaina.

“Eight years. Hindi matatawaran ‘yun. Shai and I have transcended whatever it is. We’re happy. You know, whatever happens, I know we’re going to stick it up together – stick it out with each other,” tugon ni Papa P.

At nang mapag-usapan naman ang tungkol sa kasal, “Bata-bata ko pa. Dami ko pang gustong gawin buhay. Dami ko pang pangarap. Wow. Nagsisimula palang ako.”

Medyo malabo nga lang ang mga naging pahayag ni Piolo kung ikukumpara sa sagot ni Shaina sa isang interview nang usisain ang real score sa kanila ng aktor.

Ayon kasi sa dalaga, wala silang relasyon ni Piolo pero aniya, bukas naman siya sa kung anumang possibility in the future.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending