Singer na produkto ng reality show manggagamit; walang utang na loob

By Reggee Bonoan November 18,2019
share this

Singer na produkto ng reality show manggagamit; walang utang na loob

By Reggee Bonoan November 18,2019
share this

USER-FRIENDLY kung ilarawan sa amin ang singer na nadiskubre sa isang reality show dahil lahat ng taong pwedeng makatulong sa kanya ay ginamit niya.

Kuwento ng taong nakasama ng manggagamit na singer, “Tanda mo nu’ng una siyang sumali sa isang singing contest? Na-default siya kasi nagkaproblema sa papeles niya, hindi sinabi ang tunay na edad, tapos nagkagulo pa sila nu’ng agent niya.

“Nu’ng alam niyang wala ng mangyayari sa kanya do’n sa show, sinabi niya sa agent niya na sa ibang singing contest na lang siya isasali dahil siguradong hindi na siya mananalo sa unang contest,” pahayag ng aming source.

“Nakapasok naman siya sa tulong ng agent at ilang kakilala sa loob ng show, pero hindi siya nanalo kasi nga hindi naman siya kagalingan talaga!

“E, pursigidong mapansin, naghanap ng ibang manager, iniwan si agent na naunang naghirap sa kanya. Naging okay naman sa bagong manager, kaso hindi naman din siya matutukan kasi maraming alaga, kaya itong si user-friendly singer naghanap ng ibang taong tutulong sa kanya.

“Actually, may nilapitan siya pero tinanggihan siya, sabi na lang ni ____ (sikat na manager), hindi rin siya matutukan kasi lagi siyang out of the country kasi nga may ibang business din sa ibang bansa. Isa pang dahilan kaya hindi tinanggap kasi kaibigan nitong bagong nilapitan ang dating manager.

“Heto na, inilako ang sarili sa isang recording outfit at pinagbigyan naman pero hindi rin nagtagal kasi nga hindi naman bumebenta ang mga kanta at iisa lang ang hit song. Hindi nga alam ng milenyals ang kanta niya,” kuwento pa ng aming kausap.

“Tapos may event yata ang isang movie outfit at isinama siya ng kaibigan niya hayun kinausap ang mga big bosses na baka puwede siyang i-manage at kung anu-ano pang offer ang ginawa.

“Nagulat ang kaibigang nagsama sa kanya kasi bakit sa ganu’ng okasyon niya ibebenta ang sarili. Bukod doon, tawag nang tawag sa boss na nakausap sa event, kaya nakulitan hanggang sa pagbigyan naman. Hindi pa rin kalakasan kaya ang naisip na remedyo ay gawin siyang front act sa mga singer, pumayag naman.

“Ang nakakatawa ‘yung kaibigang nagsama sa kanya, hindi na niya masyadong kinakausap kasi busy na raw siya sa singing career niya. Kaya itong si friend, nagalit at binura na ang numero sa cellphone pati na rin yata sa facebook in-unfriend na,” sabi pa sa amin.

Sa ngayon ay nakakariwasa na raw ang user-friendly singer at hindi na nito binalikan ang mga dating kaibigang nakatulong sa kanya dahil sobra siyang overwhelmed sa mga bagong kakilala na inuungutan pa rin niya ng tulong at raket.

“Pansin mo, gamit na gamit niya si ____ (sikat na singer) at kunu-kunong panay ang pasasalamat niya kasi nga lagi siyang kasama sa show nito, e, ipinipilit lang naman niya ang sarili,” sabi pa ng taong nakasama ng manggagamit ng singer.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending