Nanay ng sikat na aktres kung anu-anong ritwal ang ginawa para hindi ma-in love ang anak | Bandera

Nanay ng sikat na aktres kung anu-anong ritwal ang ginawa para hindi ma-in love ang anak

Cristy Fermin - November 17, 2019 - 12:30 AM

ANG dami-daming anekdota tungkol sa pagmamahalan ng isang guwapong male personality at sa isang sikat na singer-actress. Kalat na kalat ang mga kuwento sa istasyong pinaglilingkuran nilang pareho.

Ang bumibida sa kuwento ay ang dakilang ina ng female personality na kilalang-kilala ng buong bayan sa pagiging mahigpit sa kanyang anak.

May mga kuwentong nakakatawa, meron ding kawindang-windang, napakarami nga palang pinagdaanang paghamon ng magkarelasyong ito bago natanggap ng pamilya ng babae ang kanyang boyfriend.

Kuwento ng isang source, “Di ba, marami nang kasambahay ng pamilya ng girl ang nag-alisan sa kanila?

Kung mahigpit si mudra sa anak niya, e, ganu’n din sa mga kasambahay nila!

“Natural, lalabas ang mga kuwento tungkol sa pamilya kapag ganu’n! Nu’ng bagu-bago pa lang daw na nanliligaw ang male personality sa singer-actress, e, may mga ginagawa pang ritwal si madir!

“Nagdarasal pala siya nang nakadipa sa sahig, nakapalibot ang mga kandila sa kanya, dahil ang gusto niya, e, huwag ma-in-love ang anak niya sa male personality!

“Marami ring binibiling pangontra si madir para hindi ma-fall ang anak niya sa guwapong male personality! Lahat ng paraan, e, ginagawa pala ni mommy nu’ng una.

“Pero wala rin namang nangyari sa mga ritwal niya, na-in-love pa rin ang anak niya sa guy at naging sila pa rin,” napapatawang kuwento ng aming impormante.

Nu’ng magtagal-tagal na ay pinapayagan na ni mudra ang kanyang anak na sumamang kumain sa labas sa male personality. Pero meron itong kasama. Kundi ang kanyang PA ay isang kasambahay.

Patuloy na chika ng source, “Tawag siya nang tawag sa maid kung nasaan na sila, kung ano ang ginagawa ng mag-boyfriend, kung nagho-holding hands ba sila?

Nakukulili na ang tenga ng kasambahay nila sa katatanong ni mommy, kaya ang sinasabi na lang nu’ng maid, e, hindi. Wala siyang inire-report na paminsan-minsan, e, naglalambingan din ’yung magkarelasyon!

“Para wala nang issue, para mapahinga na ang kalooban ni madir, para hindi na rin niya tawag-tawagan ang pinagbabantay niya sa anak niya!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nakakaloka si mommy! Sa age ng anak niya, ang feeling niya, e, sweet sixteen pa rin ang anak niya na never been kissed!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming impormante.

Walk in the park na ang kuwentong ito, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kaya wala nang karagdagang clue.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending