Nathalie Hart muntik nang mabaliw matapos manganak: Iyak ako nang iyak mag-isa! | Bandera

Nathalie Hart muntik nang mabaliw matapos manganak: Iyak ako nang iyak mag-isa!

Julie Bonifacio - November 16, 2019 - 12:25 AM

NATHALIE HART

DUMAAN sa matinding post-partum depression ang sexy star na si Nathalie Hart after she gave birth sa baby niya na si Penelope sa New Delhi, India.

“Nababaliw ako nu’ng time na ‘yun. Umiiyak talaga ako mag-isa. Kasi, wala akong kasamang pamilya at wala akong makausap,” pahayag ng sexy actress.

Unlike kung nandito raw siya sa Pilipinas, ang dami niyang kaibigan na madali niyang papuntahin sa bahay niya.

“Mahirap po talaga. Kasi, wala akong makausap na tao. Kausap ko lang, ‘yung anak ko na hindi naman nagsasalita. So, sa akin medyo, hinanap ko rin talaga ang Pilipinas. Nu’ng bumalik ako, naiyak po talaga ako,” kwento pa ni Nathalie sa presscon ng digital movie na “Barbara Reimagined” na napapanood na sa iWant.

Pati pamilya niya ay natakot na sa kalagayan ni Nathalie, “Kasi ‘yung mga message ko, bahala na kayo sa anak ko. Mga ganoon na. Malala na. Malala na ‘yung nangyayari sa akin. Pero hindi naman ako nag-isip magpakamatay. Pero ‘yun ‘yung time na, alam mo ‘yun? Ang dami mo’ng iniisip.”

Naniniwala na si Nathalie ngayon sa post-partum na pinagdaraanan ng mga bagong panganak, “Akala ko kasi ‘yung ibang tao, ‘Bakit nagdadrama? Ang drama-drama lang.’ Nu’ng nanganak ako ‘yun na. Tapos siyempre, your body is changing, e.

“Tapos nu’ng nanganak ako siguro hindi ko matanggap ‘yung hitsura ng katawan ko nu’ng first two months. Tapos, ano, pinilit ko talaga (na pumayat),” pag-amin ni Nathalie.

Now she’s back at mas seksi pa siya kesa dati, huh! Kaya tamang-tama ang pagbabalik niya para tapusin ang naiwan niyang proyekto for iWant, ang “Barbara Reimagined,” na halaw sa makasaysayang horror film ni Celso Ad Castillo na “Patayin Sa Sindak Si Barbara.”

Napanood namin ang “Barbara Reimagined” and we can say na nabigyan talaga ito ng ibang twist ni Direk Benedict Mique at ng namayapang anak ni Celso na si Christopher Ad Castillo.

Ang “Barbara Reimagined” ay ipinrodyus ng LoneWolf Films at ni Malaya Roxanne Santos. Mapapanood na ito nang libre sa iWant app (iOs at Android) o sa iwant.ph.

Bukod sa ibang klase ang paglalahad ng kwento at twist sa ending, ang “Barbara Reimagined” ang pinakaseksi sa lahat ng napanood naming versions ng “Patayin Sa Sindak Si Barbara.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bahagi rin ang pagpapa-labas ng “Barbara Reimagined” ng 2019 Cinema One Originals filmfest. After ng “Barbara Reimagined,” may isa pang pelikula si Nathalie for iWant kung saan kasama naman niya sina Diether Ocampo at Ricky Davao.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending