Nathalie Hart in-stalk sa FB ang dyowang Australian: Nakita ko lang ‘yung picture, sabi ko, ‘pwede na, try ko lang’
NANG dahil sa Facebook natagpuan ng aktres at “StarStruck” Avenger na si Nathalie Hart si Mr. Right, ang kanyang “forever” at ang “icing” sa kanyang cupcake.
Inamin ni Nathalie na na-meet niya sa FB ang kanyang Australian fiancé na si Brad Robert at in fairness, pwede ring gawing teleserye o pelikula ang kanilang love story.
Naichika ng aktres sa panayam ng “Magandang Buhay” last Wednesday ang tungkol sa makulay at medyo mabilisang kuwento ng relasyon nila ni Brad Robert.
View this post on Instagram
“Nakita ko lang ‘yung picture. Sabi ko, ‘pwede na, try ko lang kausapin.’ In-stalk ko.
“Sabi ko ‘sige pwede na, kausapin ko na rin.’ Nasa ibang bansa siya but my whole family is actually from Australia.
“Then I was going there to visit my family, isiningit ko na siya. So, nag-meet kami. Sabi ko ‘okay naman pala,'” ang pagbabalik-tanaw ng celebrity mom sabay pakita ng kanyang kumikinang na engagement ring on national television.
Baka Bet Mo: Sid Lucero naranasan nang makipag-sex sa loob ng kotse; Nathalie Hart na-shock: OMG! You’re so wild!
Kuwento pa ng aktres, nagkakilala at nagkachikahan sila online ng October, at nagdesisyong magkita two months later in December hanggang sa maging magdyowa na nga.
Makalipas ang anim ba buwang relasyon, nag-propose na si Brad kay Nathalie noong August, 2022.
View this post on Instagram
Pagbabahagi pa ng aktres, “Ang bilis! Sabi ko nga bakit nagmamadali.
“Relationship-wise six months pa lang kami pero eight months ko na siyang kilala nu’ng nag-propose sa akin. Nagmamadali siya masyado,” aniya pa.
Inilarawan ni Nathalie ang kanyang fiancé bilang responsable, mabait at marespetong tao at higit sa lahat mapagmahal sa anak niyang si Penelope.
“May anak na rin siya isa, so parehas kaming tig-isa. It’s a tie,” natatawang chika pa ng aktres.
Sa tanong kung saan sila maninirahan sakaling magpakasal na sila, “Actually nandito siya sa Pilipinas pero nandito kasi ang anak ko.
“So tinatapos ko muna ang school year ng anak ko bago magplano ng ganu’ng bagay. As a mom, ang priority ko is my child. So uunahin ko muna ang anak ko,” ang mariing sabi pa ni Nathalie.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.