Daniel, Kathryn may bonggang pasabog sa 2020
TULOY na tuloy na ang bagong project nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na mapapanood na sa ABS-CBN sa 2020.
Aminado si DJ na masayang-masaya siya sa muli nilang pagsasama ng kanyang girlfriend sa isang proyekto mula sa Dreamscape Entertainment TV at talagang na-miss niya na makatrabaho muli ang kanyang ka-loveteam on and off cam.
“Siyempre kami rin ay very excited dahil it’s been a long time and excited din kami sa istorya na gagawin namin. Ayon, ngayon pa lang happy rin kami para sa fans dahil siyempre ito na,” pahayag ni Daniel sa isang panayam.
Ayon naman kay Kathryn worth it ang matagal na paghihintay ng KathNiel fans dahil siguradong paghahandaan nang bonggang-bongga ng Dreamscape ang reunion project nila ng kanyang boyfriend.
“Medyo matagal kasi nag-intay din sila. Sabi nga namin, kaunting hintay pa kasi ‘yung hinahanda namin, as in pinapaganda talaga ng Dreamscape rin para maganda natin simulan ‘yung 2020 so very excited,” pahayag ni Kathryn sa interview ng ABS-CBN.
Bukod sa kanilang bagong TV project, hands-on din ang magdyowa sa kanilang bagong joint business venture.
“Dream naman namin dalawa ‘yun ever since na magka-business kaming dalawa, well kailangan for future investments,” chika ni Daniel.
Sey naman ni Kathryn, matagal na nilang plano ni DJ na magkaroon ng business together, “Ang tagal nang napag-usapan since may Queen Mother Salon si tita Karla, ba’t di naman barber shop since si DJ expertise niya ang buhok.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.