Sarah: Kung magkakaanak man ako, ang gusto ko kamukha ni…
From Regine Velasquez, punta naman tayo kay Sarah Geronimo na ‘di binigo ang fans sa concert ng Pop Balladeer na si Ronnie Liang titled “Love X Romance: Ronnie Liang” na ginanap sa Music Museum last Friday.
Puring-puri ni Sarah si Ronnie as a person and as an artist. Madalas kasi si Ronnie ang special guest sa mga concert ni Sarah especially sa ibang bansa.
Sa sobrang papuri ni Sarah kay Ronnie, gusto niyang maging kamukha ng Pop Balladeer ang magiging baby nila ng kanyang fiance na si Matteo Guidicelli.
“Kapag magkakaanak ako, gusto ko kamukha ni Ronnie, ang gwapo na, ang ganda pa ng boses. Walang halong biro po ‘yun,” ani Sarah.
Kinilig naman ang Pop Balladeer sa sinabing iyon ng Popstar Royalty, “I’m very grateful kay Sarah G. She’s very kind and humble. Lagi n’ya akong pinupuri, coming from her, di ba? Sinabi ko talaga noon kay Boss Vic del Rosario na gusto ko siyang makasama sa concert. Ito na nga, nangyari na,” pahayag ng binata.
“I love you, Ronnie Liang!” sigaw ni Sarah bago lisanin ang stage. Sumagot naman si Ronnie, “I love you too, Sarah G!”
Ang “Love X Romance” ay concert ni Ronnie bilang selebrasyon ng kanyang ika-12 anniversary sa music industry. Dito muling nagpamalas si Ronnie ng kanyang kahusayan sa pagkanta.
Sa opening pa lang ay tuwang-tuwa na agad ang fans dahil binanatan n’ya ang Michael Buble medley.
Swak na swak ang Buble songs kay Liang. Sa kanyang 12 years sa music industry, hindi pa rin nababago ang kanyang boses. Makikita mo talaga na hindi pinabayaan ng singer-actor ang kanyang boses.
Kabilang din sa kinanta ni Ronnie sa concert ang bago n’yang Christmas song na “Sa Paskong Darating,” na isinulat ni Joel Abad.
Marami pang dapat abangan sa kanya from his music and acting career. Malapit na rin siyang magtapos bilang piloto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.