Panelo itinangging nasabon ni Duterte kaugnay ng pahayag na 3-day leave | Bandera

Panelo itinangging nasabon ni Duterte kaugnay ng pahayag na 3-day leave

Bella Cariaso - November 12, 2019 - 04:35 PM

ITINANGGI ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na napagalitan siya ni Pangulong Duterte matapos namang ihayag ang tatlong-araw na leave ng presidente, bagamat binawi makalipas ang ilang oras.

“Hindi. Never,” sabi ni Panelo sa isang briefing,

Idinagdag ni Panelo na espekulasyon lamang sa kanyang parte nang sabihing magpapahinga si Duterte ng tatlong araw.

“Hindi ba sabi ko ‘baka’ so I was just speculating. Hindi, siguro mayroon but the problem is… the problem is the President is his own man. He determines when he is in good shape or not. Hindi ba tayo naman talagang mas marunong sa katawan, alam natin kung kaya natin o hindi,” paliwanag pa ni Panelo.

 

Nauna nang sinabi ni Panelo na magbabakasyon si Duterte ng tatlong araw simula sana ngayong araw, bagamat binawi ito at kinlaro na magtatrabaho pa rin ang Pangulo habang nasa Davao.

“Yes! In fact nagtatrabaho na ngayon eh,” ayon pa kay Panelo.

“Sa bahay muna siya. Madami siyang backlog ‘di ba? Madami siyang paper work, madami siyang babasahin.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending