WORLD Diabetes Day ang Nobyembre 14 at isa itong taunang event sa buong mundo para magkaroon ng kamalayan ang mga tao tungkol sa nakamamatay na sakit at kung ano ang mga risk factors nito.
Narito ang ilang impormasyong tungkol sa diabetes na hindi mo dapat dedmahin.
Mga sintomas ng diabetes:
May iba’t ibang sintomas ng diabetes na maaaring maranasan ng tao na apektado ng karamdamang ito at narito ang ilan sa kanila:
– Pag-ihi nang madalas
– Maya’t mayang pagkauhaw
– Maya’t mayang pagkagutom at pagkain nang marami
– Panghihina at pagkatamlay ng katawan
– Paglabo ng mga mata
– Hindi maipaliwanag na pagbagsak ng timbang
– Matagal na paghilom ng mga sugat
Iba pang impormasyon:
Ayon sa International Diabetes Federation, 425 milyon tao sa mundo ang merong diabetes, at 149 milyon dito ay mula sa Western Pacific Region na kinabibilangan ng Pilipinas.
Sa 2045, inaasahang aakyat ang bilang sa WPR na may diabetes sa 183 milyon.
Sa Pilipinas, may 3.7 milyon kaso ng diabetes ang naitala noong 2017.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.