Huguterang female celeb negang-nega sa buhay, walang ginawa kundi magreklamo | Bandera

Huguterang female celeb negang-nega sa buhay, walang ginawa kundi magreklamo

Cristy Fermin - November 11, 2019 - 12:15 AM

NAGKAKAISA ang maraming personalidad na kailangan nang sumailalim sa proseso ng anger management ang isang kilalang female personality. Hindi na simple lang ang nagi-ging ugali niya.

Konting bagay lang ay pinalalaki na niya, simpleng pangyayari lang ay parang malaking giyera na para sa kanya, kailangan na niyang hanapan ng solus-yon ang kakaiba niyang ugali.

Kuwento ng isang source, “Matagal na siyang ganyan, bata pa siya, e, ginagawa na niyang big deal ang mga bagay-bagay na kung tutuusin, e, puwede namang masolusyunan.

“Child star pa lang siya, e, ganyan na ang ugali niya, hindi lang niya makuha ang gusto niya, e, nakasimangot na siya, nagda-dabog na, hiyang-hiya kaya ang mismong mommy niya sa pag-uugali niya!

“Ang pagkakaiba lang, e, wala pang social media nu’n, hindi napapabalita ang mga pinaggagagawa niya, unlike ngayon na konting bagay lang, e, hine-headline na niya sa buong bayan!” naiinis na chika ng aming impormante.

Walang nakikitang positibo sa mundo ang babaeng ito, naghahanap siya ng mga nega, du’n siya palaging tumututok. Kaya nga negang-nega na rin ang imahe niya ngayon.

Patuloy ng aming source, “Sa lovelife niya, negang-nega ang dating niya. Pagkatapos ng relasyon nila ng guy, e, napakarami niyang hanash!

“Sino pa ang magka-kagusto sa kanya kung ganu’n na marami siyang rebelasyon pagkatapos ng relasyon nila? Nakakatakot ang girl na ito! Hindi na lang niya isipin na sa kanya rin naman ang balik nu’n!

“Wala siyang control sa galit niya, hindi niya kayang i-manage, banat na lang siya nang banat, upak nang upak, anger management na nga talaga ang kailangan niya!

“Nakakaloka siya, kahit mga taong hindi naman kilala, e, pinapatulan niya! Tama bang hanggang sa ibang bansa, e, pinaiiral niya ang pagiging pikon at nega niya!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sayang, ang ganda-ganda pa naman ng name niya, pero hindi naman bagay sa kanya! Meron ba namang anghel na palaging pikon at nega?” nakairap na pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, ‘yun na! Walk in the park lang ang bling item na ito!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending