Ion bantay-sarado kay Vice; walang tiwala sa mga dancer ng Showtime

By Julie Bonifacio November 09,2019
share this

Ion bantay-sarado kay Vice; walang tiwala sa mga dancer ng Showtime

By Julie Bonifacio November 09,2019
share this

PINATUTSADAHAN ni Vice Ganda ang founder at leader ng Restorationist cult na si Apollo Quiboloy sa It’s Showtime dahil sa pahayag nito na siya ang nagpatigil ng bagyo at lindol sa bansa.

Nag-umpisa ang pagbanggit ni Vice kay Quiboloy habang iniinterbyu nila ni Jhong Hilario ang celebrity contender sa Tawag ng Tanghalan na si Gian Magdangal.

Nagkasama sina Gian at Jhong sa FPJ’s Ang Probinsyano kaya naging topic ng tsikahan ang iba pang taga-Showtime na nakalabas na rin sa top-rating teleserye ni Coco Martin.

Hanggang sa mabanggit ni Vice kung keri rin kaya na ipatigil ni Quiboloy ang action-serye ni Coco na ilang taon nang umeere sa Kapamilya network. Say ni Vice, “Mapatigil kaya ni Quiboloy ang Probinsyano? Hindi ba napatigil daw niya ang lindol? E, ‘yung traffic sa EDSA, mapa-stop din kaya niya?”

Dahil diyan marami sa mga supporters ni Quiboloy ang nam-bash kay Vice kabilang na ang isang newscaster na minura pa raw ang gay comedian.

Anyway, kitang-kita sa mukha ni Vice ang happiness habang nagho-host sa Showtime. Siyempre naman, inlabey si Meme. At nakapag-recharge pa sa Japan kasama ang bagong love of his life na si Ion Perez.

Open na open na talaga ang pagmamahalan nina Vice at Ion sa lahat ng platforms. No wonder mala-Robert Jaworski ang pagbabantay ni Vice kay Ion.

Sa isang episode rin ng Showtime pabiro pero mukhang may laman ang sinabi ni Vice na ‘di siya tiwala sa mga female dancer ng noontime show pagdating kay Ion.

Hopefully, si Vice na talaga ang huling bakla na mali-link kay Ion. May tsika kasi na 15 years old pa lang si Kuya Escort ay may gay dentist na raw ang naging malapit sa kanya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending