Ruru hihiwalayan na si Bianca; hiyang-hiya sa magulang

By Jun Nardo November 09,2019
share this

Ruru hihiwalayan na si Bianca; hiyang-hiya sa magulang

By Jun Nardo November 09,2019
share this

RURU MADRID AT BIANCA UMALI

PRESENT sina Bianca Umali at Ruru Madrid sa ginawang thanksgiving party ng GMA Network nu’ng Huwebes nang gabi base sa mga pictures na inilabas sa Twitter ng Kapuso station.

Siyempre, magkahiwalay silang napiktyuran matapos ang kontrobersiyal na parking lot incident na naganap sa SM Megamall.

Pangit naman ‘yung sweet-sweet-an pa rin sila gayung alam naman ng lahat ang nangyari sa kanila after ng premiere night ng “Cara X Jagger”, huh!

Bumandera na ang balita na nagkasagutan ang rumored couple nang dahil daw sa pagseselos ni Bianca sa leading lady ni Ruru sa movie na si Jasmine Curtis.

Palibhasa mga bata pa, puwedeng lover’s quarrel lang ang nangyari sa kanila at any moment ay magkaayos din.

Tsaka alam naman ng lahat ng may boyfriend na si Jasmine kaya walang dahilan para magselos si Bianca nang ganu’n katindi. O, baka naman may pinagdaraanan lang ang dalaga kaya ganyan.

Pero ang balitang nasagap namin, nakakita raw ng matinding rason si Ruru para kalasan na si Bianca kahit hindi pa sila umaamin sa kanilang relasyon. Hiyang-hiya rin daw ang binata sa kanyang magulang sa mga inasal ni Bianca.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending