Sino ang Kapuso actor na gusto uling makatambal ni Marian sa teleserye?

By Bandera November 09,2019
share this

Sino ang Kapuso actor na gusto uling makatambal ni Marian sa teleserye?

By Bandera November 09,2019
share this

RHEA TAN, MARIAN RIVERA AT RAMS DAVID

KUNG gagawa uli ng teleserye ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera, ang gusto niyang maging leading man ay ang asawang si Dingdong Dantes.

Matagal na rin daw kasi silang hindi nakakagawa ng acting project together kaya kung babalik siya sa primetime, sana raw ay bigyan sila uli ng GMA ni Dingdong ng teleserye. At dahil may Descendants Of The Sun pa ang kanyang mister kung saan makakatambal nito si Jennylyn Mercado, willing siyang maghintay.

Huli nagtambal ang mag-asawa sa Kapuso series na My Beloved noong 2012, “Ang tagal, na di ba? Kaya sana kung magkakaroon uli ako ng serye, gusto ko yung asawa ko ang makapareha ko.”

Nakachikahan ng entertainment media si Marian pagkatapos niyang mag-renew ng kontrata bilang ambassador ng Reverie by Beautéderm Home na pag-aari ng successful businesswoman na si Rhea Tan kasama ang manager niyang si Rams David.

Ang partnership sa pagitan ng Beautéderm at ni Marian ay nagsimula last year at pinasabog ng tagumpay nito ang social media at nag-trend sa halos lahat lahat ng news platforms sa bansa.

Ang Reverie by Beautederm Home ay isang exquisite line of home scents – mula sa soy candles hanggang sa room at linen sprays – na nilikha ng Beautéderm sa pakikipagtulungan na rin kay Marian.

Ang Reverie line of Beautéderm Home ay kinabibilangan ng Into The Woods (Bamboo Scent), Smells Like Candy (Cherry Scent), Time To Bloom (Fresh Rose Scent), Something Minty (Eucalyptus Scent), at Rest & Relaxation (Lavender Scent).

“Maligaya ako sa pag-represent ng Beautéderm Home,” sabi ni Marian. “Pamilya ko na po sila. At home ako tuwing kasama ko sila at katrabaho ko sila. Laging sinisiguro ni Rei na lagi akong kumportable at sobrang halaga sa akin ng partnershipko sa kanya. Nagpapasalamat ako at ni-renew ako ng Beautéderm Home para sa isang bagong taon at humbled ako sa tiwalang binibigay nila sa akin.”

Ayon naman kay Rhea, “Beautéderm Home and Marian are currently developing new products na idadagdag sa line dahil sa tagumpay ng Reverie.”

“Kaya ramdam na ramdam namin ang ‘Marian fever’ nu’ng ni-launch namin siya last year at patuloy pa rin naming nararamdaman ito dahil sa very good sales ng Reverie. We can’t wait to work with her again for another fruitful year.”

Sa nasabing mediacon, ibinandera nina Marian at Rei ang bago nilang collaboration, ang air humidifier at ang mga essenstial oil na maaaring pagpilian ng mga gagamit nito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending