Quiboloy kumasa sa hamon ni Vice Ganda; Vic Sotto, Eat Bulaga pinuri | Bandera

Quiboloy kumasa sa hamon ni Vice Ganda; Vic Sotto, Eat Bulaga pinuri

Ervin Santiago - November 08, 2019 - 02:48 PM

APOLLO QUIBOLOY AT VICE GANDA

KUMASA sa hamon ni Vice Ganda ang pastor na si Apollo Quiboloy.

Sa isang viral video, mapapanood ang founder at leader ng Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name na nagsasalita tungkol sa naging challenge sa kanya ng Unkabogable Star sa isang episode ng It’s Showtime.

Ayon kay Vice, “Hinahamon kita, Quiboloy. Ipahinto mo na ‘Ang Probinsyano.’ Napahinto mo pala ang lindol eh. Napakayabang niyo pala eh.

“Sabi niya raw, stop. Sige nga, punta ka ng gitna ng EDSA, stop mo ‘yung traffic doon,” aniya pa.

Sagot naman ng pastor, baka raw hindi lang ang primetime series ni Coco Martin ang mapahinto niya kundi ang buong ABS-CBN.

“Lindol lang ung pina stop ko eh dumating pa yung challenge na ipa stop ko daw yung probinsyano o kaya yung sa EDSA. Kailan mo ba gustong mapa stop ang Probinsyano?

“Ikaw, mamili ka, kelan mo ba gustong ma stop?Isang buwan? dalawang buwan? tatlong buwan? apat na buwan? Ikaw, pili ka. Baka sa apat na buwan di lang yung Probinsyano ang ma stop, baka pati yung network mo stop na yan,” mariing pahayag ni Quiboloy.

Ang tinutukoy niya ay ang isyu sa renewal ng franchise ng Kapamilya Network na mag-e-expire sa March 30, 2020. Ang paniniwala ng marami ay nasa kamay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kapalaran ng network.

Hirit pa ng pastor sa challenge ni Vice, “Sinabi mo pahintuin ko ang traffic sa EDSA, paano ko pahihintuin, nakahinto na. 

“Ang dapat mong sinabi pabilisan, pabilisan ang traffic, pabilisan ang traffic flow, eh paano ko pahintuin eh nakahinto na nga eh. Naging parking lot na nga ang EDSA eh, nakahinto na. Paano ko pa pahihintuin ang nakahinto na,” pahayag pa ni Quiboloy.

Samantala, pinuri naman ni Pastor Quiboloy ang kalabang show ng Showtime na Eat Bulaga pati na ang host nitong si Vic Sotto dahil sa pagiging matulungin at humble nito, “Mahal ko siya at ang kanyang programa.”

“At ako, sa kanilang mga jokes, natatawa ako kasi sa kanilang humor na maganda. Pero ang example nila sa sangkatauhang Pilipino, napakaganda, hindi kabastusan, hindi kalokohan.

VICE GANDA

Hindi yung pagyurak ng mga odor ng mga tao, hindi yung ipahihiya ka, pagtatawanan ka at your expense, gagawa sila ng joke.

“So, hindi pagpapalain ng Diyos ang mga ganung mga klase. Kaya si Boss Vic Sotto, mahal na mahal ko ‘yan at ang kanyang mga ginagawa para sa masang Pilipino.

“So, kung manonood man kayo ng entertainment, nandiyan yung mga kapupulutan natin ng magagandang aral. Pero yung iba diyan, e, wala na akong masasabi sa kanila,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pahabol pa niyang mensahe sa lahat ng sikat na celebrity tulad nina Vice at Vic, “Think about helping humanity. Think about being an example to others. Think about being an example to the next generation.” 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending