Bagman 2 ni Arjo Atayde mas bayolente; Carlo gaganap na kontrabida | Bandera

Bagman 2 ni Arjo Atayde mas bayolente; Carlo gaganap na kontrabida

Reggee Bonoan - November 08, 2019 - 12:05 AM

ARJO ATAYDE AT CARLO AQUINO

Kaabang-abang ang airing ng second season ng digital series na Bagman ni Arjo Atayde sa Nob. 13 na mapapanood pa rin sa iWant.

Pawang malalaking artista ang makakasama ni Arjo sa series tulad na rin ng nabanggit niya kamakailan sa aming panayam.

Isa nang ganap na gobernador ang karakter ni Arjo sa Bagman 2 at mas bayolente ang mga eksena rito sabi ng premyadong aktor kaya siguradong mas mag-eenjoy ang mga mahihilig sa aksyon.

Ang huhusay din ng mga artistang makakasama ng aktor sa Bagman 2 sa pangunguna nina Carlo Aquino (na gaganap na kontrabida), Mon Confiado, Rez Cortez, Rosanna Roces at Romnick Sarmenta base na rin sa trailer na napanood namin.

As expected tungkol sa mga katiwalian sa gobyerno ang kuwento ng season 2 ng Bagman na ayon na rin kay Arjo ay hindi niya inakalang nag-e-exist pala talaga sa tunay na buhay. Marami raw silang ie-expose sa season 2 na ikagugulat din ng mga manonood.

Matapang si Shugo Praico na siyang nagsulat at nagdirek ng Bagman 2 dahil bukod sa masyado itong bayolente ay marami ring matututunan ang viewers.

Mula ito sa Rein Entertainment at Dreamscape Digital. Good thing hindi pa saklaw ng MTRCB ang online platform dahil kung hindi, malamang puro katay ito.

Samantala, isa pa rin ang Bagman 1 sa most viewed series sa iWant kaya talagang gumawa ng part 2 ang Dreamscape. Marami rin kasi ang nagtatanong kung magkakaroon ba ito ng sequel dahil parang nabitin pa sila sa kuwento.

Proud na proud din si Arjo sa Bagman 2 dahil mas na-explore pa niya rito ang kanyang karakter.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending