'Napakaswerte kong nanay dahil hindi ko naging anak ang 3 Barretto sisters!' | Bandera

‘Napakaswerte kong nanay dahil hindi ko naging anak ang 3 Barretto sisters!’

Ervin Santiago - November 07, 2019 - 12:10 AM

GRETCHEN, MARJORIE AT CLAUDINE BARRETTO

KUNG  babasahin mo palang lahat ang mga opinyon ng ating mga kababayan sa nagaganap na pag-aaway-away ng magkakapatid na Barretto ay mapapabuntong-hininga ka na lang.

Halu-halo ang magiging reaksiyon mo sa mga posts. Mapapailing ka, mawiwindang ka, makakaramdam ka ng inis at awa bakit nila ginagawang magbatuhan ng putik sa harap mismo ng publiko.

Ang gaganda pa naman nila, wala kang itatapon sa kanilang mga itsura, pero wala nga sa panlabas na anyo ang basehan ng kagandahan at hindi ng ugali ng tao.

Pero ang pinakamakabuluhang mensaheng ipinabasa sa amin ng staff ng “Cristy Ferminute” ay mula sa isang nanay rin na naguguluhan sa mga takbo ng pangyayari.

Sabi ng nag-post, “I feel so lucky that you’re not my daughters. Baka maaga akong namatay kung naging mga anak ko kayo, Gretchen, Marjorie at Claudine.

“Pinanonood ko lang kayo, binabasa ko lang ang mga away n’yo sa social media, I just wonder why Mrs. Inday Barretto cannot stop her daughters from quarreling .

“Why don’t you go to Mindanao? Make your presence felt there! Tumulong kayo sa mga nilindol, magbigay kayo ng tulong, du’n man lang, mapakinabangan n’yo ang ganda n’yo!

“Really, I’m so lucky dahil hindi ko kayo naging mga anak! Hindi n’yo kasingganda ang mga anak ko, pero sobrang suwerte ko dahil hindi kayo ang mga naging anak ko!” mahabang post ng nagpakilalang ina.

Haaaayyyy!!!!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending