Alden marami pang pasabog sa The Gift; epektib na bulag | Bandera

Alden marami pang pasabog sa The Gift; epektib na bulag

Ervin Santiago |November 06,2019
facebook
share this

Alden marami pang pasabog sa The Gift; epektib na bulag

Ervin Santiago - November 06, 2019 - 12:35 AM

ALDEN RICHARDS

Mas lalo pang tumitindi ang mga kaganapan sa tinututukan ng mga Kapuso viewers na The Gift sa GMA Telebabad.

Mainit na namang pinag-usapan sa social media ang nakaraang episode ng seryeng pinagbibidahan ni Alden Richards matapos na makidnap ng mga armadong lalaki ang karakter niyang si Sep.

Siyempre, alalang-alala na ang kanyang nanay-nanayan na si Strawberry (Jo Berry) at lolang si Lola Char (Elizabeth Oropesa) dahil sa pagkawala ng binata. Kaya agad silang sumugod sa police station para i-report ang kaso.

Kasabay nito, nagpakita rin kay Helga (Sophie Albert) ang kaluluwa ni Gener (TJ Trinidad), ang tunay na ama ni Sep. May nais kasi itong ipakita na posibleng pinagdalhan sa kanyang anak. O, baka may iba pang gustong ipahiwatig ang kaluluwa ni Gener kaya ito muling nagparamdam?

Yan ang dapat abangan at iba pang nakakagulat na twists sa pagpapatuloy ng The Gift pagkatapos ng Beautiful Justice.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending