Morissette ibinandera na ang relasyon kay Dave Lamar; pang-asar ba sa nakaaway na tatay?

By Ervin Santiago November 06,2019
share this

Morissette ibinandera na ang relasyon kay Dave Lamar; pang-asar ba sa nakaaway na tatay?

By Ervin Santiago November 06,2019
share this

MORISSETTE AMON AT DAVE LAMAR

NAGKAAYOS na nga kaya ang Kapamilya singer na si Morissette at ang kanyang amang si Amay Amon matapos magkaroon ng hindi pagkakaunawaan ilang buwan na ang nakararaan?

Yan ang tanong ng ilang netizens matapos mag-post si Morissette ng mga sweet photos nila ng kanyang boyfriend na si Dave Lamar sa Instagram.

Kuha ang mga nasabing litrato habang nagbabakasyon sila sa New York. Kung hindi kami nagkakamali ito ang unang beses na ibinandera ng dalaga ang pagmamahal niya kay Dave na isa ring singer.

Caption ni Mori sa isang photo nila ni Dave na magkayakap na kuha sa Bethesda Terrace and Fountain sa New York City Central Park, “Mine (with heart emoji).”

Sa isa namang litrato, makikita ang singer na hawak ang kamay ng boyfriend na may mensaheng, “Come away with me.”

Bukod dito nagpunta rin ang magdyowa sa Brooklyn Bridge, Times Square at sa Rockefeller Plaza. Nito lang nakaraang buwan, nagbakasyon din ng ilang araw sa Singapore ang dalawa ngunit walang ipinost na mga litrato si Morissette sa kanyang social media accounts.

Pero ang tanong nga ng kanyang fans, nagkaayos na ba sila ng ama matapos magkaroon ng away nang dahil kay Dave? Inakusahan kasi ni Amay Amon noon ang anak na naglayas umano at sumama sa boyfriend.

May lumabas lang balita na sinaktan umano niya nang pisikal ang anak kaya ito napilitang umalis ng bahay. Pero mariin itong pinabulaanan ni Amay.

“As a father, there will be missteps, there will be miscommunications, and there will be mistakes. But physically disciplining my children has never been, and will never be a part of my parenting,” paliwanag niya.

Habang mainit na pinag-uusapan ang isyung ito, walang inilabas na pahayag si Morissette at hanggang ngayon ay nananatiling tahimik ang dalaga sa away ng kanilang ama. Pero ngayong ibinandera na niya ang pagmamahal kay Dave, ibig bang sabihin ay tanggap na ng kanyang ama ang kanilang relasyon?

Ang paniniwala naman ng ilang netizens baka ito raw ang paraan ng singer para ipamukha sa kanyang tatay na masayang-masaya siya ngayon kasama ang kanyang boyfriend at hindi siya nagpaapekto sa mga pinagsasabi ni Amay Amon.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending