'Desisyon ni Vice kung ubusin niya ang kayamanan para kay Ion Perez' | Bandera

‘Desisyon ni Vice kung ubusin niya ang kayamanan para kay Ion Perez’

Cristy Fermin |November 04,2019
facebook
share this

‘Desisyon ni Vice kung ubusin niya ang kayamanan para kay Ion Perez’

Cristy Fermin - November 04, 2019 - 12:20 AM

HINDI kayang bilhin ng pera ang kaligayahan. At may dagdag pa ‘yun. Hindi rin kayang tapatan ng kalansing ng pera ang peace of mind, masarap na tulog at gana sa pagkain.

Kaya nga maraming milyonaryong malungkot. Nasa kanila na ang lahat ng materyal na bagay sa mundo pero hungkag pa rin ang kanilang puso.

Mabubuhay na si Vice Ganda nang maraming dantaon nang hindi siya maghihirap, wala nang lugar ang pagkagutom kahit pa ilandaang taon siyang mabuhay, sobra-sobra pa sa sapat ang hawak-hawak na niyang kayamanan ngayon.

Natagpuan na niya ang kanyang kaligayahan. Ihinarap na niya sa mundo si Ion Perez, si Kuya Escort, ang dahilan kung bakit sa kabila ng stress at pagod sa maghapon at magdamag ay maganda ang bawat paggising niya.

Ang tingin ng iba ngayon kay Vice Ganda ay isang wallet na sumusuka sa dami ng laman. ‘Yun lang daw ang habol sa kanya ni Ion Perez, gagamitin lang daw siya ng binata.

Si Vice Ganda ang mayhawak ng kanyang damdamin, hindi niya maaaring lokohin ang kanyang sarili sa uri ng kaligayahang ibinibigay ngayon ni Ion sa kanyang buhay, kung paanong siya rin ang hari-reyna ng kanyang bulsa.

Maligayang-maligaya si Vice Ganda ngayon, si Ion Perez ang unang dahilan, kaya maubos man ang lahat-lahat ng meron siya ngayon ay nasa kanya ang desisyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending