'LDR' epektib sa lovelife ni Lovi: Malaking tulong ang internet at social media | Bandera

‘LDR’ epektib sa lovelife ni Lovi: Malaking tulong ang internet at social media

Ervin Santiago |November 04,2019
facebook
share this

‘LDR’ epektib sa lovelife ni Lovi: Malaking tulong ang internet at social media

Ervin Santiago - November 04, 2019 - 12:10 AM


KUNG marami ang naghihiwalay na magdyowa dahil sa LDR o long distance relationship, mukhang perfect naman para kay Lovi Poe ang ganitong set-up.

Ayon sa Kapuso actress, nagwo-work naman ang LDR para sa kanila ng kanyang boyfriend na naka-base ngayon sa Amerika, ang English film producer na si Montgomery Blencowe.

Malaking tulong din daw sa ganitong klase ng relasyon ang technology kaya hindi na masyadong problema kung malayo man ang isang couple sa isa’t isa.

“Constant naman ang communication namin. Malaking tulong talaga ang internet sa LDR kasi wala, parang nandiyan din lang siya sa ‘yo,” pahayag ni Lovi sa isang panayam.

Isa pa sa ipinagpapasalamat ng dalaga ay ang pagiging understanding ng kanyang foreigner na dyowa. Pagdating daw kasi sa kanyang trabaho bilang aktres ay all out ang support na ibinibigay sa kanya ng guy.

“Actually, I love na naiintindihan niya ang trabaho ko. Iyon namang pagpapaseksi, it’s just that you’re just doing your job and you’re doing serious acting.

“Kasi in a relationship, there are things that are negotiable and non-negotiable. I guess, being a good person is non-negotiable, pati na yung sense of humor. I think, ha-ving a good heart and soul is also non-negotiable.

“Yung right amount of love and understanding is also. Iyong negotiable to me would be iyong physical aspect.

“Siyempre, it’s already automatic, my career is one of my priorities. I don’t go out with who would dictate me what I’m doing, but I believe in compromise,” lahad pa ng Kapuso actress.

Sa ngayon, wala pa raw silang balak magpakasal para bumuo ng sariling pamilya. Hindi pa rin daw nila ito napag-uusapan.

“I don’t know. We don’t talk about it. We’re just enjoying what we have now. We enjoy each other’s company. We make sure that we are part of each other’s lives.
“Last August, I toured him sa beaches like Boracay. Na-meet na rin siya ng Mommy ko,” aniya pa.

Samantala, hindi rin daw issue sa kanyang boyfriend ang paghuhubad at pakikipag-love scene niya sa pelikulang “The Annulment” ng Regal Entertainment with his leading man Joem Bascon.

Ayon pa kay Lovi, napapanahon ang kanilang pelikula na tumatalakay sa mga problema ng mag-asawa at kung bakit nauuwi sa hiwalayan at annulment ang mag-asawang nagsumpaan na magmamahalan hanggang kamatayanm

“It’s a highly relatable movie about people in a relationship. Yung pinagdadaanan na challenges at trials ng kanilang relasyon, from courting, to decision to get married to honeymoon hanggang naging whirlwind romance, falling out and eventually, that painful decision to seek annulment,” pahayag ni Lovi.

Showing na sa Nov. 13 ang “The Annulment” mula sa direksyon ni Mac Alejandre.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending