Kahit kailan hindi ko nilagyan ng malisya ang samahan nina Chito, Angel at Bubbles!—Neri Naig
Very cool ang reaction ni Neri Naig sa chikang nag-makeout ang kanyang husband na si Chito Miranda at BFF nitong si Bubbles Paraiso.
“Saw your husband last night making out with bubble. Although in my mind I know they are very very close fren. hmmmm. Ang naisip pumunta to check ur husband IG. May post pala sya about Bubbles congratulating her. And napa isip tuloy ako lalo. Goodluck po and Godbless,” say ng isang hindi nagpakilalang guy.
Mahaba ang aria ni Neri pero ang buod nito ay hindi siya naniniwala sa chismis.
“May kailangan ba kayong i-explain sa akin? @chitomirandajr @bubblesparaiso. Hahaha! Tawang tawa talaga ako dito!
“Kasalanan ba nina Angel (Locsin) at Bubbles na magaganda at sexy sila? Bawal na magkaroon ng best friend na lalaki? Pagbabawalan ko na ba? Hehe!
“Eversince hindi ko pinag isipan ng may malisya sila Chito kasama si Bubbles at Angel. Kung alam lang din ng mga tao kung paano nila asarin si Chito! Pero seriously, magkaibigan po talaga sila at never kong pinagbawalan si Chito maki-hang out sa kanila o kahit kaninong tao mapababae man o lalaki, ok lang sa akin.
“Why? Bakit ko kailangan siyang paghigpitan? Ang tao kung gusto nyang magloko, magloloko yan kahit ano pang bantay ang gawin mo. Saka secured ako sa pagmamahal ng asawa ko. Kung dati ngang bf/gf palang kami, NEVER ko siyang pinagbawalan, mas lalo ngayong mag asawa na kami. Saka secured din ako sa sarili ko.
“Hindi lang talaga ako palalabas kahit pa noong dalaga pa ako. Mas lalo na ngayon at may anak ako. I love Angel and Bubbles kase mabait talaga silang tao, hindi lang kay Chito, pati sa amin na rin ni Miggy. Pati na rin si Neil, lagi nila inaalala kami ni Miggy.
“Gumawa pala ako ng vlog about sa pagchi-cheat ng lalaki, hehe! Featuring Chito syempre. Post ko soon after ma-edit. Pero maganda rin etong topic na may mga close friends o best friends na mga babae ang bf o asawa mo. Paano mo malalaman na magkaibigan lang talaga sila.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.