Catriona nakipaglaro sa mga batang inoperahan sa Brazil
Dalawang buwan bago niya iwan ang kanyang trono, tuluy-tuloy lang ang pag-iikot ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa iba’t ibang bansa para sa kanyang mga adbokasiya.
Last week, nagtungo sa Brazil ang dalaga for charity work with Smile Train, isang organization na nagbibigay ng free cleft repair surgery and comprehensive cleft care sa iba’t ibang bahagi ng universe.
“Smiles are best shared …had so much being goofy, playing, making arts and crafts with children who have benefited from life-changing cleft surgery through @smiletrain @smiletrainbrasil. Look at those smiles!!!” caption ni Catriona sa litratong ipinost niya sa Instagram.
Bukod dito, binisita rin niya ang Hospital Menino Jesus para personal na makilala ang mga batang natulungan na ng Smile Train.
“Had so much fun visiting Hospital Menino Jesus and interacting with the patients along with the passionate staff and medical faculty.
“So amazing to see how these children’s lives are being changed with the 100% free comprehensive care made possible by @smiletrain,” ayon pa sa beauty queen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.