Yen Santos pwedeng magdyowa ng bakla at tomboy: May true love talaga!
SI Yen Santos ang leading lady nina Lassy Marquez at Hashtag Kid Yambao sa pelikulang “Two Love You”mula sa Lonewolf Productions at Viva Films sa direksyon ni Benedict Mique.
Kuwento ni Yen kung paano siya inalok ng producer na si Ogie Diaz, “Tumawag siya sa akin noon (patapos na ang seryeng Halik), may gagawin siyang pelikula, siyempre writer (reporter) si Mama Ogie, natakot akong sabihing ‘ayaw ko.’ Ha-haha! Joke lang!’”
Pagpapatuloy pa niya, “Mahal ko ‘yan kasi matagal na kaming magkaibigan since 2011 pa, mula nu’ng pinaiyak niya ako sa set ng Mutya (serye), naging magkaibigan na talaga kami and ako ang take ko roon, it’s an honor for me kasi ako ‘yung naisip niyang artistang babae sa first movie na ipo-produce niya.
“Sakto naman kasi ‘yung concept niya very light naman kasi after nu’ng Halik heavy drama sabi ko, after nitong Halik, break muna tayo sa drama kaya ito ‘yung perfect project after no’n,” sabi pa niya.
Inamin din ng aktres na may kissing scene sila ni Hashtag Kid sa “Two Love You” na pina-edit daw ni Ogie dahil sobrang malala, “R-13 kasi habol namin sa MTRCB. Two takes lang naman ‘yun, hindi namin in-expect na pag pinanood na hindi puwede sa bata,” kuwento ng dalaga.
Dagdag pa niya, “Sobrang laplapan daw kasi. Wala namang lumabas na dila o laway o kahit na ano. Tapos ‘yun nga pagkapanood ni Mama Ogie, sabi sa akin, “oy ha, masyadong ano ‘yung kissing scene n’yo ni Kid, pina-edit ko!”
Speechless naman si Yen sa tanong kung nadala siya sa kissing scene nila ni Kid, “Masarap kasi (tawa nang tawa) ano, wala naman akong naramdaman pero siyempre kasi bagets parang first time yata niyang may ka-kissing scene.”
Sa madaling salita siya ang nagbinyag kay Kid, “Ha-hahaha! Kaya sabi ko, bago ka pa maging aktor at maraming maka-kissing scene, ako na ang nauna, sorry (sa mga susunod). Ha-hahaha!”
Pawang nasa 40’s at 50s na kasi ang nakahalikan ni Yen tulad nina Jericho Rosales, Albert Martinez na nasa 50’s na at si Sam Milby na 30’s naman, Piolo Pascual na late 40’s Kaya namumukod tanging si Hashtag Kid lang ang nasa 20’s.
“Magkakaiba kasi sila ng lasa, parang lasang gatas (si Kid)!” tawa nang tawang sabi ni Yen.
Samantala, open naman si Yen na ang pagmamahal ay hindi raw nakukuha sa gender at puwede siyang magmahal ng bakla at tomboy.
“Hindi ka nai-in love dahil sa babae o lalaki siya, marami akong kaibigang bading at may mga kakilala akong karelasyon ay lesbian, so nakikita kong may true love. Nagkakaroon ng true love sa love ng dalawang babae at dalawang lalaki.
“Kaya ko po nasabi kasi baka bukas may makilala kang lesbian na bigla kang ma-in love kasi binibigyan ka ng tamang pagmamahal na hindi mo nakukuha sa iba sa mga naging past mo, ‘yung mga ganu’n po,” esplikang mabuti ni Yen.
May nanligaw din daw na tomboy kay Yen, “Siguro po nu’ng grade school, may mga nagpapa-cute pero hindi naman seryoso.”
At para malaman ang ganda ng pagmamahalan ng bading, lalaki at babae ay panoorin ang “Two Love You” sa Nob. 13 na may premiere night sa Nob. 10 sa SM Megamall.
Bukod kina Yen, Lassy at Hashtag Kid, kasama rin sina Arlene Muhlach, MC Calaquian at Dyosa Pockoh. Mapapanood na ang “Two Love You” sa Nob. 13 nationwide.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.