Bagong hugot ni Angelica sa matitinong Aquino pang-ookray kay Carlo: Move on na ‘teh’
DID Angelica Panganiban take a swipe at Carlo Aquino?
‘Yan ang tanong ng marami dahil sa kanyang very intriguing caption sa photo niya na kuha sa Rome, Italy kasama ang ilang friends.
“Happy Birthday kuya James, natitirang matitinong Aquino na mahal na mahal ko. Mi Familia. #RomeRomeRomeYourBoat.”
That was Angelica’s caption which had her followers liking it. Pero ang tingin nila ay patama ito kay Carlo na naging dyowa niya before at pinaasa siyang muli nang magsama sila sa isang movie.
“Ang pagmamahal ni Angge hindi basta-basta nauubos pero ang matitinong AQUINO konting-konti na lang….ganun?”
“Natawa ako sa caption! Magamit nga! Happy birthday!”
“Hindi pa rin maka move on te? Hanggang kelan? Happy na sya sa GF nya. Kaw ba?”
q q q
Laugh nang laugh ang netizens when the rival show of Kadenang Ginto celebrated its recent victory.
Tawang-tawa ang televiewers dahil hindi naman nahigitan ng katapat na programa ng Kadenang Ginto pero kung makapag-celebrate ay wagas at may pa-cake pa ang afternoon show ng starlets na sina Jillian Ward, Althea Ablan and Sofia Pablo dahil tumataas na raw ang rating nito.
As reported by a website, “Here’s the recap of NUTAM Ratings from October 14 to October 18:
“October 14: Prima Donnas 7.0% vs Kadenang Ginto 8.0%; October 15: Prima Donnas 8.0% vs Kadenang Ginto 10.0%; October 16: Prima Donnas 7.7% vs Kadenang Ginto 10.5%; October 17: Prima Donnas 7.3% vs Kadenang Ginto 9.0%; October 18: Prima Donnas 7.8% vs Kadenang Ginto 9.2%.”
Take note, ha, walang episode na nakalamang ang GMA show sa Kadenang Ginto pero nagparty-party na sila agad. With that, laugh ang netizens.
“So mga kapuso, alam nyo na? Madalang lang ‘yang pacake ibig sabihin madalang lang umaangat sa ratings. Gets nyo ba? Ay malamang hindi. Mayabang lang kayo pero waley kayo utak.”
“Feeling ko talaga need nila magpa cake masabi man lang na nag effort sila. at least may props ung pkikipag lokohan nila sa sarili nila.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.