UPANG mapangasiwaan ang pagtupad ng mga kompanya sa batas ukol sa Occupational Safety and Health (OSH),
Ang Labor Advisory 10 series of 2019, na nagtatalaga sa tatlo pang institusyon, bukod sa Professional Regulation Commission, na nagbibigay ng certified first aid training sa mga itinalagang company first aiders.
Maaari na ring kunin ng mga establisiyamento ang serbisyo ng Department of Health, Bureau of Fire Protection, at Technical Education and Skills Development Authority para sa first aid training batay sa Republic Act 11058 o ang OSH Law at Department Order No. 198-18.
Sa ilalim ng implementing rules and regulations ng RA 11050, may kapangyarihan ang labor secretary na mag-sertipika ng anumang organisasyon na magbibigay ng certified first aid training. Ang certified first aider ay dapat sumailalim sa pagsasanay at may sertipikasyon mula sa Philippine National Red Cross.
Ang balidong training certificate, kasama ang identification card na inisyu ng certified first aid training providers sa itinalagang company first aider, ay maaaring tanggapin bilang katibayan na sumusunod ito sa probisyon sa batas ng OSH,
Ang DOLE regional office ang titiyak sa pagtalima sa labor advisory, na nagkaroon ng bisa noong Oktubre 21, 2019.
Sakop ng batas OSH ang lahat ng pribadong establisyimento kung saan ginagawa ang trabaho, kabilang ang mga establisyimento sa loob ng special economic zone at iba pang investment promotion agency. Dapat mayroon silang kwalipikadong occupational safety and health officer na binubuo ng first aider, safety officer, nurses, dentists, at physicians.
Ang lahat ng OSH personnel ay kinakailangang sumailalim sa itinakdang mandatory training mula sa DOLE-accredited safety training organizations o sa mga kinikilalang training institutions.
Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.