Angelina Jolie naloka sa paandar ni Boy Abunda: Hindi niya ako nakalimutan! | Bandera

Angelina Jolie naloka sa paandar ni Boy Abunda: Hindi niya ako nakalimutan!

Julie Bonifacio - October 28, 2019 - 12:05 AM

SPEAKING of Boy Abunda, hindi batid ng nakararami na may pinagdadaanan ang King of Talk these past few days. Nasa ICU kasi ang kanyang inang si Nanay Licerna “Lesing” Romerica Abunda.

Halos wala pa siyang tulog when he attended the mediacon of Your Moment dahil magdamag siyang nagbantay kay Nanay Lesing na 91 years old na pala. Kaya need ni Kuya Boy ang maraming panalangin para sa kanyang ina.

Sa pagkakaalam din namin ay nakatakdang pumunta ng Amerika si Kuya Boy to host an annual awards night na nataon sa kanyang kaarawan on Oct. 29. He’ll be turning 61 on Tuesday.

Nu’ng nakausap namin si Kuya Boy sa mediacon ng Your Moment, supposedly ay aalis siya nitong Biyernes (Oct. 25). Pero sabi niya, titingnan pa niya kung makakaalis siya.

Usually, doon na rin niya isini-celebrate ang kanyang birthday for a week or two. Then, balik din agad siya ng Pinas. ng birthday wish ni Kuya Boy ay good health for the family.

And two weeks ago pala, nagpunta sa Japan si Kuya Boy para interbyuhin si Angelina Jolie para sa movie nitong “Maleficent.” “Maganda ang pagtatagpo namin ni Miss Angelina Jolie. Nakakatuwa siya.

Nakakatuwa dahil we had a very short time to do the interview. Pero tuwing magkikita kami, hindi niya ako makalimutan dahil dinadaan ko sa outfit. Ha-hahaha! Totoo ‘yun,” masayang kwento ni Kuya Boy.

Natuwa raw si Angelina sa outfit niya, “It was there (during his interview), ‘I love everything about you.’ Natutuwa siya.”

Samantala, klaro kay Kuya Boy ang criteria as his basis sa pagpili ng winning performance and performers para sa isang international show gaya ng Your Moment.

“From a manager’s point of view, ako ang hinanap ko dito sa ‘Your Moment’ is that very difficult combination of excellence and charisma. Because to me if you combine talent and ah, and the ‘it,’ you know, ‘yung presence. Talent and the ‘it’, that becomes your moment.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“You can have talent, walang dating. You can have all dating wala ka naman talent. Pagsamahin ‘yun, you sparkle. You spark,” esplika ni Kuya Boy.

Huwag palampasin ang world-class talents, mga kwento ng inspirasyon at pagkakaibigan at nakakamanghang performance sa world premiere ng Your Moment sa Nov. 9 sa ABS-CBN.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending