Marian, dating talent manager nagbati na: Mahal kita mula noon hanggang ngayon!!!
MAKALIPAS ang halos pitong taong hindi pagkikita matapos naghiwalay ng landas, nagkita muli ang si Marian Rivera at ang dati nitong manager na si Popoy Caritativo.
Bumandera sa kani-kanilang Instagram account ang litrato nila together pero walang ibang detalye kung saan at anong okasyon nangyari ang nasabing “reunion”.
Momshie pa rin ang tawag ni Yan kay Popoy at sabi nga niya sa caption ng kanilang Instagram photo, “Mahal kita mula noon hanggang ngayon.”
Quote naman mula sa Bible (Isaiah 60:22) ang inilagay na caption ni Popoy sa litrato nila ni Marian, “When the time is right, I, the Lord, will make it happen,”
Baguhan pa lang si Marian ay si Popoy na ang nag-alaga sa kanyang career. Madalas na namin siyang nakakausap noong Wednesday clubber pa kami sa Imperial Hotel.
Hanggang sa lumipat na nga ng management si Marian sa Triple AAA na pinamumunuan ni Rams David.
Kahit walang detalye sa hiwalayan ng dalawa bilang talent at manager, marami ang natutuwa na natapos na ang anumang hindi pagkakaunawaan nina Marian at Popoy.
Sa muling pagkikita nila, nakarga at nayakap din ni Popoy ang dalawang anak nina Marian at Dingdong Dantes na sina Zia at Ziggy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.