Robi, Sue sumabak sa hamon ng ‘Unlisted’, ‘urban legends’ sa Pinas iimbestigahan…
TRAVEL buddies na ngayon sina Robi Domingo at Sue Ramirez.
Yes, magkasama silang umiikot ngayon sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas na hindi pa nadi-discover ng mga local and foreign tourists.
‘Yan ay para sa bagong iWant documentary series na Unlisted na nagsimula na nitong nakaraang Miyerkules kung saan ibinandera nga ang mga “underrated”, “unknown” at “unusual” places sa Rizal Province, kabilang na nga ang Tanay, Taytay at Baras.
Sa mga susunod na episode ng Unlisted sa iWant, siguradong mamamangha at mapapanganga kayo sa ganda ng mga hindi pa nadidiskubreng lugar sa Capiz, Roxas City, Basey, Samar, pati na rin sa ilang bahagi ng Maynila.
But of course, more than these places, the show also features the stories of locals, their foods and their respective legacies at siyempre aalamin din nina Sue at Robi ang katotohanan sa iba’t ibang urband legends na bumabalot sa bibisatahin nilang lugar.
Kuwento nga ni Sue sa nakaraang presscon ng Unlisted, “Alam n’yo hindi namin alam na may ganu’n pala kagagandang lugar sa mga napuntahan namin tulad ng Rizal, hindi namin alam na may ganu’n mga lugar na nakatago, hidden gems of each city that we went to, each province na napuntahan namin kaya nagulat kami at I’m sure kapag napanood ito ng mga tao, I’m sure magugulat din sila sa makikita nila.”
Pahayag naman ni Robi, “Of course when you go to a place, you have a certain expectation lalung-lalo na kapag nag-research ka sa isang lugar, pero iba ‘yung makikita mo sa internet, iba ‘yung mararamdaman mo kapag nandoon ka na, iyon ang isa bagay na gusto kong sabihin sa manonood ng Unlisted, it’s one thing to look at one place and have those different stigma na kaakibat tulad nitong Rizal na nagulat kami sa mga nakita namin.
“It’s just a few minutes away from the city and you can reconnect with your soul sa lugar na. I’m inviting everyone to promote and go to Rizal as well,” dagdag pa ng TV host.
Sagot naman ni Robi sa tanong kung ano ang kaibahan ng progama nila ni Sue sa ibang travel show sa bansa, “Sa Unlisted kasi, we go to different places with those kind of stigma, may mga misconception tulad ng Rizal na ito raw ‘yung pugad ng mga NPA (New People’s Army), sa Capiz naman may mga aswang. So, ‘yung mga ganu’n na gusto naming i-break ‘yung myth sa mga tao.”
Naikuwento rin nina Robi at Sue ang isang challange na naranasan nila sa isang episode ng Unlisted, “Because of that specific date na kailangan naming mag-travel ng by land, by air at sea kami. So isang buong araw kaming nag-travel ni Sue. And it’s a true story ha, one of the things I regret is captioning the moments that happened to us.
“Umalis po kami ng Manila papuntang Cebu ng 11 p.m. kasi walang flight diretso papuntang Samar. And from Cebu, nagbarko kami to Leyte and nag-land travel kami from Leyte to Samar.
“Tapos pagdating namin, quick change lang wala ng pahi-pahinga nag-work na agad kami ni Robi, so feeling ko ‘yun ang pinaka-challenge sa mga pinuntahan namin, magtrabaho ka ng buong araw tapos wala kang pahinga,” sey ni Sue.
Ayon pa sa mga host ng Unlisted, malaki rin ang maitutulong ng pagta-travel sa mental health ng tao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.