HI! Good day po!
Ask ko lang po sana kung kailangan ko pa rin po bang i-deactivate ang aking PhilHealth account?
Dati ko na po kasi pina-deactivate iyon pero naging active po ito ulit nang magtrabaho ako at hulugan ng aking employer.
Sa ngayon po kasi ay wala na akong trabaho. Need ko pa rin po ba ito i-file sa PhilHealth for deactivation? Dependent na po ako ng aking asawa. Nawa po ay inyo akong matulungan.
Maraming salamat po.
REPLY: Pagbati mula sa PhilHealth!
Nais po naming ipabatid na kung kayo ay declared dependent ng inyong asawa ngunit nagkaroon ng active employment at nag-resign ay otomatikong magiging invalid dependent ng inyong asawa kaya kakailanganing magpa-deactivate muli ng inyong PhilHealth membership.
Ang inyong asawa ay kailangang magsumite ng napunan na PhilHealth Member Registration Form (PMRF), kopya ng marriage contract, 2 valid IDs para sa beripikasyon at kalakip ang inyong personal na liham na inyong ninanais na ipa-deactivate ang inyong membership upang maideklarang dependent ng inyong asawa sa pinakamalapit na PhilHealth Local Health Insurance Office (LHIO).
Nawa ay amin pong nasagot ang inyong katanungan.
Para sa mga karagdagang katanungan, mag email lamang po sa amin o tumawag sa hotline sa numerong (02) 8441-7442.
Maraming salamat po.
Lubos na gumagalang,
CORPORATE ACTION CENTER
Hotline: (02) 8441-7442
Text Hotline: 0917-8987442
Website: www.philhealth.gov.ph
Email: [email protected]
FB: https://www.facebook.com/PhilHealthofficial/
Twitter: https://twitter.com/teamphilhealth
Youtube: www.youtube.com/teamphilhealth
fms
1549439075296
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.