JM: Masaya kami ni Ria sa relasyon namin ngayon
JM de Guzman is consistent in not confirming nor denying his romantic relationship with Ria Atayde.
“She supports me naman with my relationships, eh. Naiintindihan niya. Sa level ng closeness ng friendship namin, mayroon siyang nai-improve sa akin and nabi-bring ang best sa akin bilang tao.
“I would like to believe na ganoon din ako sa kanya. Ngayon masaya kami na ganoon ang relasyon namin. We learn from each other, we pinpoint each other’s mistakes, and we support each other. Sa ngayon napaka-treasurable iyon ngayon,” he said during the launch of Cinema 1 Originals film festival.
Kasama si JM sa cast ng “Lucid” where he plays a stranger who encourages Alessandra de Rossi to turn her dream life into something a bit more adventurous.
So, wala pa ring label ang relasyon nil ani Ria? “Hindi ko po talaga maintindihan ‘yung label. May ghosting na nga ngayon, ‘no? Ano pa ba? Hindi po namin inaaksaya ang oras namin na alamin ‘yun, ‘yung label na ‘yun. We just enjoy each other’s company as friends,” he said.
When asked to describe the daughter of Sylvia Sanchez, JM instantly mused, “She’s a rare find.”
q q q
Bongga pala ang lalabas na next cook book ni Pokwang.
Sa second edition kasi ay makakasama na niya ang dyowa niyang si Lee O’Brian, “Yes, magaling din siyang magluto. Actually, ‘yung book naming dalawa ay kombinasyon ng Filipino and American dish.
“Halimbawa, ‘di ba meron silang turkey, tayo mayroon tayong lechong manok, so, para kaming nagko-contest. Mayroon siyang salad na ganito, mayroon din akong salad na Pilipino. Kung meron kang pa-salmon diyan ay mayroon din akong dish na salmon.
“Labanan kami doon sa isang cook book, so ang winner doon ay ‘yung mga bibili. Marami silang matututunan,” chika ni Pokwang sa launch niya as endorser ng Regasco, makers of quality Liquefied Petroleum Gas.
May magiging participation din ang anak ni Pokwang na si Rhia Mae sa itatayo niyang resto next year.
Walang problema kay Pokwang ang pagluluto dahil “Kahit anong dami niyan, magiging possible ‘yan sa tulong ng Regasco. Kahit na anong dami ng lulutuin ko, keber!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.