Nadine Shookt: Ako, buntis? Bakit hindi ko alam? | Bandera

Nadine Shookt: Ako, buntis? Bakit hindi ko alam?

Ervin Santiago - October 23, 2019 - 12:20 AM

BILLY CRAWFORD, NADINE LUSTRE, BOY ABUNDA AT LUIS MANZANO

“BUNTIS ako? Talaga ba?” Yan ang shocked na reaksyon ni Nadine Lustre nang matanong kung totoo bang nagdadalang-tao siya courtesy of her partner James Reid.

Kamakailan kasi ay kumalat ang chika na buntis nga ang Kapamilya actress matapos bumandera sa social media ang litrato niya na medyo nakaumbok ang tiyan.

Kuha yun sa airport habang naghihintay ng kanyang flight ang dalaga patungong Indonesia para sa isang event na may konek sa isa niyang endorsement. Dahil sa medyo malaki nga ang kanyang tummy that time, marami ang naghinala na baka buntis na siya.

Sa media launch ng bagong reality talent search ng ABS-CBN, ang Your Moment, kung saan isa siya sa magiging judge along with Billy Crawford and Boy Abunda, nilinaw ng dyowa ni James ang tsismis.

“Ha? Buntis ako? Ba’t di ko po alam na buntis ako,” she said. “Talaga ba? Hindi naman,” natatawang sagot ni Nadine.

Wala raw idea ang award-winning actress kung saan nanggaling ang nasabing fake news kasabay ng pakiusap sa madlang pipol na huwag basta naniniwala sa lahat ng kuwentong lumalabas sa social media.

“Oo, di ba? Marami kasing fake news ngayon. Ang daming naka-post sa socmed na akala mo totoong-totoo. Hindi ko rin alam saan nanggaling (buntis issue)? Parang ako naman, if hindi naman nanggaling sa akin, sana ‘wag nang paniwalaan, ‘di ba?” lahad pa ni Nadine.

Kung mabibigyan daw siya ng chance, gusto niyang mag-break muna sa trabaho. Baka raw after ng Your Moment na tatagal ng15 weeks sa ABS-CBN, ay mag-rest muna siya.

“Kasi buong taon tuloy-tuloy din po ako. So I think well-deserved ko naman ‘yung magpahinga. And meron din po kasi akong mga kailangan asikasuhin outside po of showbiz,” pahayag ng dalaga.

Kapansin-pansin din na mas namayat pa si Nadine ngayon, “Nagkasakit po ako. Ano po, viral po. Siyempre lahat po halos ng tao ngayon may sakit. Kakagaling lang sa rainy season. So ayun
po.”

Samantala, isang malaking challenge na naman ang haharapin ni Nadine bilang judge sa original talent reality search ng ABS-CBN na Your Moment hosted by Luis Manzano and Vhong Navarro. Dito, makakasama rin niya bilang hurado sina Boy Abunda at Billy Crawford.

“I’m super excited. I really love working with Tito Boy, and of course si Billy. Ang dami kong natututunan sa kanila. Grabe! Ang hirap pala sa dami ng magagaling.

“Actually, hindi lang po siya para sa mga Pilipino, para sa buong mundo siya kasi may mga sumali from other countries like Japan and South Korea.

“Pero tayo kasi, especially tayong mga Pilipino, napaka-talented nating lahat and it’s nice na mayroong ‘Your Moment’ para maipapakita ng mga grupong ito ang kanilang mga talento,” chika pa ni Nadine.

Kumusta naman siya bilang judge, “I’m just really honest kapag nagdya-judge and with our show, parang it’s more of entertainment. Ako, I love being entertained so kung ano ‘yung nararamdaman ko, sinasabi ko lang naman.”

Handa na rin siya sa bashers na kukuwestiyon sa pagiging judge niya, “Sanay na naman po ako sa mga ganyan, hindi na po bago sa akin, so okay lang sa akin. I mean talagang kasama na yan lagi kaya might as well tanggapin na lang and learn from it.”

Kakaiba rin ang sistema sa pagpili ng mga papasok sa finals, kaya talagang pahihirapan din nang bonggang-bongga ang mga hurado. Dalawa rin ang tatanghaling champion sa Your Moment, isa sa singing competition at isa sa pagsasayaw. Mananalo ng tig-P2 million each ang magiging winners.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magsisimula na ang Your Moment sa Nov. 9. Ito’y isang collaboration project ng ABS-CBN at Fritz Productions ng Netherlands.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending