'Ano'ng ginawa ni Claudine para mura-murahin ni Julia?' | Bandera

‘Ano’ng ginawa ni Claudine para mura-murahin ni Julia?’

Cristy Fermin - October 22, 2019 - 12:17 AM

TAHASANG sinabi ni Claudine Barretto na pinagmumura siya ng kanyang pamangking si Julia. Ang sakit-sakit daw nu’n sa kanya dahil parang itinuring na niyang tunay na anak ang magandang young actress.

Sa mga hindi pa nakakaalam, nagkasama sila ng pamilya nina Dennis Padilla at Marjorie nu’n, sa Loyola Grand Villas ang bahay.

Du’n namin ininterbyu si Marjorie nang manganak ito kay Leon, ang bunso nila ni Dennis, Japanese style ang bahay na napakalaki.

Bahay ‘yun ni Gretchen, sa kuwento nila ay nailit ‘yun ng bangkong pag-aari ni Mr. Tony Boy Cojuangco, kaya libre lang na pinatirhan sa mag-asawang Dennis at Marjorie.

Pero biglang nagkaroon ng away sa pagitan nina Gretchen at Claudine, kakampi ng kanilang bunso si Marjorie, kaya gumawa ng aksiyon si Gretchen.

Biglang pinaalis na sila ni Gretchen sa bahay, meron na raw kasing nakabili, lilipat daw agad ang bagong owner ng bahay sa tinitirhan nila.

Naging sobrang close nu’n si Claudine at si Marjorie, parang tunay na anak na ang turing ni Claudine kina Julia, Claudia at Leon, Mama Pretty ang tawag ng mga bata sa kanya.

Kung totoo ngang pinagmumura siya ni Julia nu’ng burol ng kanyang ama ay napakasakit talaga nu’n para kay Claudine. Pero ang tanong, bakit ba siya namura ng teen actress, ano ba ang naghudyat nu’n para siya mamura ng kanyang pamangkin?

Napakanega ng kuwentong ito para kay Julia Barretto, hindi pa man ito nakababangon mula sa kontrobersiyang kinasangkutan nito ay heto na naman ang isang isyung kailangan nitong lapatan ng paliwanag, kailangang diretsong sagutin ni Julia ang isyung ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending